NAGING bagyo na ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Tinawag na Butchoy ang bagyo na magdadala ng pag-ulan sa Calabarzon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.
Ang bagyo ay nasa layong 75 kilometro sa hilagang kanluran ng Daet, Camarines Norte. Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
May hangin ito na umaabot ang bilis sa 45 kilometro bawat oras at pagbugsong 55 kilometro bawat oras.
Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, katimugang bahagi ng Aurora (Dingalan, San Luis), Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, hilaga at central portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Panukulan, Burdeos, Polillo, Patnanungan, Jomalig, Mauban, Sampaloc, Lucban, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Lopez, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez), at Camarines Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.