Ibang channel nadamay na sa ABS-CBN franchise hearing
SISILIPIN ng Kamara de Representantes ang Philippine Depository Receipts hindi lamang ng ABS-CBN Corp., kundi maging ng iba pang mass media entity.
Sa pagpapatuloy ng joint hearing ng House committee on legislative franchise at on good government and public accountability, sumentro ang pagtalakay kung ang pagbebenta ng PDR sa mga dayuhan ay hindi paglabag sa Konstitusyon.
“Para sa kaalaman ng lahat dahil po ang pinag-uusapan ay PDR kahit po ABS-CBN lang po ang nag-aapply ngayon, ay nais po ng komiteng ito na makita lahat ng mga DPRs ng mga mass media, na nabigyan na, formerly nagbigyan na or mag-aapply pa lang,” ani Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, chairman ng good government committee.
Nais ikumpara ng komite ang PDR ang ABS-CBN sa PDR ng ibang channel gaya ng GMA 7.
“Sana sa susunod na hearing ay makuha na natin upang mapag-compare natin kung pare-parehas ba ang laman ng kanilang mga PDRs,” ani Alvarado.
Hindi natalakay ang PDR ng GMA 7 ng aprubahan ang prangkisa nito noong 2017.
Sa ilalim ng Konstitusyon tanging Pilipino lamang ang maaaring mag may-ari ng mass media sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.