Pagkanta ni Kim ng ‘Bawal Lumabas’ sa Wish bus na-bash; ‘dislikes’ umabot sa 540k
BIG hit pa rin talaga ang latest song ni Kim Chiu na “Bawal Lumabas: The Classroom Song.”
When she sang it live sa Wish 107 bus ay umabot na sa 5,875,876 views ito as of June 5.
Pero tinitira si Kim of late dahil umabot din sa mahigit 540,000 “dislike” ang kanyant video.
Sa comment section ng Wish 107 ay marami ang nam-bash kay Kim pero may mga nagtanggol din naman sa kanya.
“Hindi ko maintindihan bakit andami dislikes ginawa nya lang naman ung kanta. Para mawala ung lungkot nya dahil sa bashers bkt kayo naiinis, may ginawa ba siya sainyo nako mga Pinoy tlga nakaka disappoint.”
“Nakakatawa Bashers at Bitter inis na inis, as in parang ikakamatay nila kumanta si Kim. Parang silang mga demonyo. Habang si Kim Kanta² lang. Wag kayo mag alala inaasar nya lang kayo. Effective nga eh dumadami Ang views. Sorry iyakin kayo ngayon. Pinasikat nyo talaga tong video. Malaking kita rin to. Kayo walang pera makukuha sila meron.”
“Go lang Kim, ito sasabihin ko sayo kahit di tayo close, wag mo ng pansinin ung sinasabing masama ng ibang tao. Just do what you want to do and dont let them slow you down!!!
“Ang mga tao, lagi naman yang may sasabihin either maganda o masama,laging meron at meron. At saka, sino ga naman yang mga taong yan para iyong tuong isipin. Wala ka namang inapakang tao, hahahaha, masyado lang silang nagagalit kasi di nila nakuha ung gusto nila.
“Ang ineexpect kasi nila eh mapapahiya ka at manliliit pero nagawa mong bumawe, hahahaha, nabaliktad mo sila ng 360 degrees lol hahahaha. Cant imagine ano feelings nila ngayon.
“Kung yun ngang mga panget na lyrics na kanta eh sumisikat, ito pa kayang kanta mo na may magandang mensahe, ‘Mahalin mo ang kapwa mo kung gaano mo mahalin ang sarili mo’. Not a fan pero go lang Kim. Wag kang papaapekto sa mga bashers.”
Bukod sa pagsuporta ng publiko sa bagong kanta ni Kim, soldout din ang unang batch ng “Bawal Lumabas” shirts na inilabas ng kanyang team.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.