Mask ranger ikakalat vs walang suot na face mask
UPANG mabantayan at matiyak na sumusunod ang publiko sa pagsusuot ng facemask, iminungkahi ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang pagpapakalat ng mga “mask ranger”.
Ang mga mask ranger ay mga barangay tanod na nakasuot ng facemask.
“Kamakailan ay lumabas ang ulat ukol sa pagiging epektibo ng facemask upang makaiwas sa COVID-19 (coronavirus disease 2019). Ayon sa Center for Disease Control ng America at medical journal na Lancet, ang pag-suot ng kahit ordinaryong cloth face mask sa pampublikong lugar ay isang paraan upang mapropektahan natin ang ating mga sarili at ating mga kahalubilo mula sa kumakalat na virus,” ani Taduran.
Sa pag-aaral ni UP College of Medicine Professor Michael Tee, 64 porsyento lang ng mga Pilipino ang regular na nagsusuot ng facemask. Sa kaparehong pag-aaral, lumabas na mas kampante ang isang tao kung may suot na facemask ang kanyang kahalubilo.
“Ang mga mask rangers ang maniniguro na lahat ng mga nasa pampublikong lugar sa kani-kanilang mga barangay ay wastong gumagamit ng face mask – natatakpan ang kanilang mga bibig at ilong, at hindi inilalagay lamang sa kanilang mga baba. Maaari rin silang gamitin na taga bigay ng facemask sa mga wala,” dagdag pa ng lady solon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.