Bayanihan Law tapos na, anong epekto nito ngayon?
WALA nang bisa ang RA 11469 o yung batas na mas kakilala bilang Bayanihan Law dahil ito ay nagwakas nitong Biyernes, Hunyo 5, matapos mag-adjourned ang Kongreso, base na rin sa Article 6, Section 23 (2) ng Constitution.
Kasama sa paglaho nito ay ang lahat ng emergency powers na pansamatalang pinagkaloob ng Kongreso kay Pangulong Duterte, pati na ang lahat ng criminal cases na isinampa sa lahat nang lumabag sa mga pinagbabawal na gawaiin na nakasaad sa Section 6 ng Bayanihan Law.
Dahil hindi na epektibo ang Bayanihan Law , magkakaroon ito ng mga legal na kahihinatnan (legal consequences) lalo na sa iba’t ibang transactions ng mga ahensya ng gobyerno na konektado sa pagsugpo at paglaban sa Covid-19 crisis na hindi natapos nitong Biyernes o bago mawalang bisa ito.
Isa na rito ang muling paglagay ng lahat ng paghuka (procurement) at pagbili ng mga bagay-bagay na konektado sa pagsugpo at paglaban sa Covid-19 crisis sa ilalim ng RA 9184 (Government Procurement Reform Act).
Kailangan na ngayon sumunod ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa public bidding o negotiated procurement (emergency cases) na itinakda ng RA 9184 at ng Implementing Rules and Regulations nito, pati sa lahat ng mga batas at regulations na konektado dito.
Maging ang mga paggamit ng iba’t ibang pondo na inilaan ng Bayanihan Law sa ibat ibang layunin, proyekto, mga pang ayuda sa mga mahihirap ay maaring mahinto na rin.
Wala na ring kapangyarihan mag-isyu ng mga Executive Orders, Circulars, Rules and Regulations, Department Order at iba pa ang Pangulo, pati na ang mga heads ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungkol sa pagtupad ng Bayanihan Law. Wala nang ipapatupad dahil naglaho na ang Bayanihan Law.
Ang mga criminal cases naman na isinampa laban sa mga tao na lumabag sa mga ipinagbabawal na gawain na nakasaad sa Section 6 ng Bayanihan Law ay madi-dismiss na rin.
Wala na sa libro ng batas ang Bayanihan Law kaya maituturing na wala na rin silang nilabag na batas. Walang tao ang dapat makasuhan, managot at makulong kung ang batas mismo kung saan sila kinasuhan, pinananagot o ikunulong ay wala na. Ito ay naaayon sa prinsipyo ng ex-post facto law dahil ang ganitong sitwasyon ay makakabuti sa akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.