Piolo tuloy ang dasal para sa franchise renewal: Nagbago ang buhay ko dahil sa ABS-CBN
LOOKING forward na si Piolo Pascual sa pagbabalik ng Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN na mapapanood sa Kapamilya Channel.
Ang Kapamilya Channel ay matatagpuan sa SKY, Cablelink, G Sat, at sa ilan pang cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.
Sa Instagram account ni Piolo ay ibinahagi niya ang kanyang pagmamahal at utang na loob sa ABS-CBN.
“I’ve been with ABS since my college days… after I came back from the States and signed on for the next 20 plus years, my life has changed for the better.
“I started with them and if and when I retire I’ll still remain a Kapamilya… I’ve never felt so welcome and with Star Magic as my cradle, I’ve never felt more secure,” caption ni Piolo sa video na ipinost niya sa kanyang Instagram.
Marami pa raw siyang gustong sabihin sa mga ginawang pagbabago sa buhay niya ng ABS-CBN. Kaya masidhi rin ang kanyang dasal na maaprubahan na sana ng Kongreso ang bagong franchise ng network.
And speaking of franchise renewal, marami ang naliwanagan sa pagharap ng ABS-CBN big boss na si Eugenio “Gabby” Lopez III sa ikatlong hearing ng Congress.
Matapang na hinarap ng dating presidente ng ABS-CBN ang matagal nang lumulutang na isyu tungkol sa kanyang citizenship. At malinaw pa sa sikat ng araw naman niyang napatunayan na isa siyang natural, legal and certified na Filipino.
Kaya natapos ang hearing na napatunayang walang na-violate na batas ang ABS-CBN sa punto ng citizenship ng dating presidente ng network.
Malaking factor ang presensya ng representative mula sa Department of Justice na si Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa hearing as a resource person.
“Una po, tungkol po sa pagbigay ng kumpirmasyon ng DOJ sa citizenship ni Gabby Lopez, hindi po ito pamamaraan ng pag-grant o pag-perfect ng citizenship, dahil siya po ay mayroong magulang, both father and mother, na Filipino citizen, kaya po sa kanyang pagkapanganak siya po ay Filipino citizen,” esplika ni DOJ Undersecretary Villar.
Binigyang-linaw din niya na ang pagkakaroon ng US passport ay nagpapawalang-bisa ng pagiging Filipino niya.
“Ang kanya pong paggamit ng US passport ay hindi po dahilan para mawala ang kanyang Filipino citizenship. Ang hindi po niya pagkakaroon ng Philippine passport ay hindi rin isang dahilan para hindi siya maging Filipino dahil sa pagkapanganak niya na may Filipinong ama at ina ay nagbibigay na sa kanya ng Philippine citizenship,” paglilinaw pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.