Jodi nanghingi ng tulong para pangpiyansa sa 6 na 'tsuper hero' | Bandera

Jodi nanghingi ng tulong para pangpiyansa sa 6 na ‘tsuper hero’

Ervin Santiago - June 06, 2020 - 01:40 PM

NANGHINGI ng tulong ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang social media followers para makalaya na ang anim na jeepney driver na ikinulong ng mga pulis.

Nakapiit pa rin hanggang ngayon ang anim na driver na inaresto at inasunto ng mga otoridad matapos magtipun-tipon sa isang lugar sa Monumento, Caloocan City para manawagan sa pamahalaan.

Nais nilang payagan na sila ng gobyerno na makapasada na uli at  manghingi na rin ng ayuda matapos ang halos tatlong buwang walang kita bilang mga jeepney driver.

Ngunit sa halip na makakuha ng tulong, hinuli pa sila at ikinulong. Makakalaya lamang sila kapag nakapagpiyansa ang bawat isa ng P3000.

Matapos makiusap ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa Philippine National Police na bigyan naman ng kahit kaunting awa at konsiderasyon ang nga tsuper ng jeep, si Jodi naman ang nanawagan sa kanyang mga followers sa social media.

Mensahe ng aktres, “Friends alam kong mahirap ang panahon ngayon, pero if ever may extra kayo baka pwede naman mag-extend ng tulong sa mga kapatid nating tsuper heroes! Thank you!”

Kasunod nito, nakiusap din siya sa Caloocan Prosecution’s Office na madaliin ang pagbibigay resolusyon sa kaso ng mga driver na nakakulong pa rin ngayon.

“Eto po yung huling update na nakuha ko from @piston6 nung kinamusta ko sila Lolo. Friday na po ngayon. Wag na natin silang paabutin ng weekend sa custodial facility. Office of the City Prosecutor ng Caloocan…baka naman po pwede na kayong maglabas ng resolusyon?” sabi ng aktres pero dahil Biyernes na nga kahapon, baka sa Lunes o Martes na ito maresolusyunan ng korte.

Samantala, hindi naman binanggit ni Jodi kung magbibigay din siya ng tulong pinansiyal para mabuo ang halagang kailangan para sa piyansa ng anim ng jeepney driver. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending