outbrain

Tanggalan sa trabaho darami pa, mga panukala kailangang maipasa agad

By Leifbilly Begas June 05,2020
share this

Tanggalan sa trabaho darami pa, mga panukala kailangang maipasa agad

By Leifbilly Begas June 05,2020
share this

Mga Pinoy na naghahanap ng trabaho

MAS lolobo pa umano ang bilang ng mga walang trabaho sa pagdaan ng mga araw kaya kailangang maipasa ang economic stimulus package na tutulong sa mga negosyo upang hindi magsara at magtanggal ng empleyado ang mga ito.

Ayon kay House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda mas malulubog ang bansa kung hindi maaaprubahan ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

“Although the jobless figures say you have 5 million more unemployed workers, the problems could actually be bigger, as you had almost 8 million fewer workers who were employed in April 2020 compared to April 2019. Most of them were in the services sector,” ani Salceda.

Ayon sa datos ng PSA mas konti ng 5.34 milyon ang bilang ng mga empleyado sa service sector.

“Much of the figures in the services sector, of course, are attributable to the enhanced community quarantine. Many small businesses were unable to open, so their workers were also unable to go to work. We should see some uptick from this month’s figures to May and June figures,” saad ni Salceda.

“The service sector includes retail jobs, and those in the hospitality and travel sectors, which are of course the hardest hit industries and are in obvious need of strong support. The House of Representatives had almost 40 briefings with various industries before we came up with the Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) bill, and that’s why, even before the release of the figures, we had a sense of what was to come.”

Sinabi ni Salceda na ito na ang mga babala na mas magiging mahirap pa ang hinaharap kung wala tayong gagawin.

Dagdag na problema pa umano ang 400,000 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho.

Ang mga skilled workers na OFW na umuwi ay maaari umanong gamitin sa Build, Build, Build projects.

Ang ARISE ay inaasahan na lilikha ng 1.1 milyong trabaho samantalang ang CREATE ay 1.1 milyong trabaho sa susunod na limang taon.

Babawasan ng CREATE ang corporate income tax mula 30 porsyento ay magiging 25 porsyento na lamang. Mayroon ding itong alok na incentives upang mas maraming negosyante ang mahikayat na magnegosyo sa bansa.

“The wage subsidies and other interventions were good for protecting jobs, but at the rate we’re losing them, we have to start being more aggressive and create more jobs. Preventing subtraction will no longer be enough. We need to start inducing addition,” dagdag pa ni Salceda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending