Safety at security ng pro athletes prayoridad ng GAB | Bandera

Safety at security ng pro athletes prayoridad ng GAB

Frederick Nasiad - June 05, 2020 - 11:14 AM

Bagaman mayroon pa ring banta ang COVID-19 sa lipunan ay unti-unti nang nilalatag ng Games and Amusement Board (GAB) ang mga patakaran at panuntunan para sa dahan-dahang pagbabalik ng professional sports sa Pilipinas.

Sa pangunguna ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at mga commissioners na sina Eduard Trinidad at Mar Masanguid ay ipinulong nito ang mga division heads para pag-usapan kung paano nila mapanatiling ligtas sa COVID-19 ang mga atleta at fans sakaling muling buksan ang entablado para sa mga professional sports.

“Kailangan ang mahigpit na pag-iingat. While the government already imposed general community quarantine (GCQ) in Metro Manila, focus pa rin tayo sa safety and security ng ating mga kababayan, including our workforce, athletes, and stakeholders,” pahayag ni Mitra.

“We have to strictly managed a number of health protocols, including those affecting workplace and professional athletes’ license application procedures, to fight the spread of the coronavirus disease.”

Tulad ng iba pang sector na nagsimula na ring magbalik sa gawain, handa na rin ang GAB para paglingkuran ang mga atleta sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay.

“So far, may may request namkaming natatanngap para sa pagbabalik ng pro football, gayundin sa basketball at combat sports tulad ng boxing, muay thai at mixed martial arts. Sa ngayon, patuloy ang aming monitoring at pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force, para maisakatuparan ang pagbabalik ng sports sa tamang pagkakataon,” aniya.

Humingi rin si Mitra ng pang-unawa sa lahat ng atleta lalo na ang mga pro boxers na nabinbin ang mga laban bunsod ng pandaigdigang pandemya na manatiling mahinahon at ipagpatuloy ang pagsasanay.

Sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) ay nakipag-ugnayan ang GAB sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) para maisama sa mabibigyan ng social amelioration ang mga boxers, mixed martial arts fighters, muay thai fighters, trainers at coaches na may GAB license.

“Nabigyan po natin ng ayuda ang ating mga kasama, sa pamamagitan ng DSWD cash assistance para po sa mga licensed boxers, mma, muay thai fighters, trainers, matchmakers, at iba pang qualified beneficiaries na nasa labas ng NCR,” pahayag ni Mitra.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mga kinauukulan para payagan na ang mga koponan na makapag-ensayo ay maibalik ang kundisyon ng mga manlalaro nito.

Sa ngayon ay hindi pa pinapayagan ng gobyerno ang pagbabalik ng team sports at contact sports.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending