Juday napaiyak dahil sa sama ng loob sa ABS; lilipat na ng network? | Bandera

Juday napaiyak dahil sa sama ng loob sa ABS; lilipat na ng network?

Ervin Santiago - August 15, 2013 - 07:00 PM

IBINUHOS ni Judy Ann Santos ang kanyang sama ng loob sa ABS sa press conference ng kanyang telesereye na Huwag Ka Nang Mawawala, na malapit nang magwakas.

Dahil sa sama ng loob ay napaiyak pa si Juday habang tinanong ng showbiz press at sinagot isa-isa ang mga una nang napabalita na masama nga ang loob niya sa ABS at nagbabalak na siyang iwan ito.

“Hindi ako magpapakaplastik na sabihin sa mga tao at mga manonood na OK lang dahil hindi naman talaga,” sagot ni Juday nang tanungin kung may sama nga ito ng loob sa ABS. “Pero nangyayari naman talaga ‘to”.

Kinumpirma rin ng aktres na bukas na siya ngayon na tumanggap ng proyekto sa ibang giant networks.

“Now, open contract ako, expired na contract ko with ABS and I am open to other networks,” ayon sa aktres sabay sabi na may offer o imbitasyon na sa kanya ang TV 5.

“But of course, mahalaga pa rin sa akin ang utang na loob ang priority ko pa rin ang ABS. Ang sabi ko nga magpapakapraktikal na lang ako at magtatrabaho,” dagdag pa ng aktres na seksing seksi sa kanyang damit na kulay pula.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending