Kris may pa-tribute sa ika-25 kaarawan ni Joshua: Super bait & generous
FINALLY, nakarating na sa kanilang bahay sa Quezon City ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby.
Pagkalipas nga ng tatlong buwang pamamalagi sa isang beach resort sa Puerto Galera kung saan sila inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay nakauwi na sa wakas ang TV host-actress at kanyang mga anak.
Sa kanyang social media account ay ipinost ni Kris ang litrato ng panganay niyang si Joshua na nagdiriwang ng ika-25 kaarawan ngayong araw.
Isang litrato ng anak na naka-side view ang ibinahagi ni Kris sa Instagram kung saan makikita ang mahabang buhok nito.
“By tomorrow, his birthday, he’ll get his haircut & he’ll be shaved- but I wanted all of you to see kuya Josh’s natural curls (a part of me wants to make him grow his hair some more but he’s already complaining about the heat).
“My panganay will turn 25 in a few hours- a full year older than I was when I gave birth to him.
“In many ways, we’ve grown up together & his innate kindheartedness, generosity, and his ability to only see the good in all situations inspire me to be the best mama I can possibly be whenever you comment that you feel I’m a good parent, the truth is how could I possibly be anything less when I have been blessed with such loving sons?
“Happy Birthday kuya Josh thank you for filling my existence with LOVE,” ang mensahe ni Kris sa kanyang panganay.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang kuwento si Kris tungkol sa naging biyahe nila mula sa Puerto Galera hanggang sa bahay nila.
Inisip namin na baka nagpahinga muna siya dahil napagod sa biyahe kaya wait na lang tayo sa mga susunod na updates tungkol sa mag-iina lalo na sa magiging selebrasyon ng kaarawan ni Kuya Josh.
Nauna rito, nag-post din si Kris ng litrato nilang mag-iina na kuha bago sila umalis sa Puerto Galera.
“We got all our clearances & permits, now we’re ready for the 1st part of our journey HOME! Just in time for kuya’s birthday tomorrow. (A special thank you to WBR [Willie Revillame] for letting @checkticsay & randy, aka ‘hello kitty’ stay to help us.)
“It’s been almost 3 months but everyone at Sunset & the Puerto Galera LGU really made us feel welcome. (Thank you to Doc Oca for helping mend my left hand & Doc delos Reyes for regularly checking kuya josh, bimb, and me),” caption ng TV host-actress sa kanyang IG post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.