Maine, Bossing babalik na sa Daddy's Gurl: 'The Quarantine Edition'   | Bandera

Maine, Bossing babalik na sa Daddy’s Gurl: ‘The Quarantine Edition’  

Jun Nardo |June 03,2020
facebook
share this

Maine, Bossing babalik na sa Daddy’s Gurl: ‘The Quarantine Edition’  

Jun Nardo - June 03, 2020 - 10:59 AM

VIC SOTTO AT MAINE MENDOZA

SWAK na swak sa kalagayan ngayon ng lahat ng mga Filipino ang darating na episodes ng “Daddy’s Gurl.”

Hindi replay ang mapapanood sa sitcom ng GMA 7 kungdi fresh episodes  ayon  sa tweet ng isa bidang si Maine Mendoza.

      “Daddy’ Gurl quarantine episodes SOON!!! Yay!!!” masayang balita ng Dubsmash Queen.

       “Quarantine Specials” na rin itong matatawag ayon naman sa tweet ng director ng sitcom na si Chris Martinez.

      Kung paanong atake ang mangyayari sa bawat eksena nina Maine at Bossing Vic Sotto at ng iba pang cast members ng programa, abangers na lang tayo.

Pero isa lang ang malinaw dito, mapapanood na uli ng mga Kapuso viewers ang weekly sitcom nina Meng at Bossing with fresh and new episodes — the lockdown edition.

                        * * *          

Ika-70th anniversary ngayon ng GMA Network kaya naman, nais nitong ipahatid sa publiko na patuloy ito sa pagiging “Buong Puso Para sa Pilipino.”

      Ang GMA sa kasalukuyan ang biggest TVnetwork dahil meron itong 52 total TV stations sa buong bansa.

      Kaya hindi nakapagtataka na mas maraming nanonood dahil mahigit 80 milyon ang nagawang abutin ng Kapuso Network.

      Kilala sa pagbibigay ng Serbisyong Totoo, patuloy ang news programs ng GMA sa number one news program na  24 Oras na naghahatid  napakahalaga at napapanahong news and information sa publiko.

      Katuwang nito ang 24 Oras Weekend, Unang Hirit, Dobo B sa News T at news bulletin pati na ang nagbabalik na Saksi.

      Sa totoo lang, maging sa online, ang 24 Oras na ang tinututukang local newscast ng netizens.

      Happy 70th year, GMA Network!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending