Janno sa Wowowin guesting: Tatanggi pa ba ‘ko, wala na ngang kumukuha sa akin

By Ervin Santiago June 02,2020
share this

Janno sa Wowowin guesting: Tatanggi pa ba ‘ko, wala na ngang kumukuha sa akin

By Ervin Santiago June 02,2020 - 02:31 PM

Willie-janno

UMAATIKABONG asaran at laglagan ang nangyari nang mag-guest si Janno Gibbs sa “Wowowin-Tutok To Win” ni Willie Revillame sa GMA 7.

Tuwang-tuwa ang mga Kapuso viewers nang mapanood ang singer-actor sa programa ni Willie kung saan muli nitong kinanta ang kanyang mga classic hits.

Ang sabi ng TV host-comedian, talagang ipinagdasal nila ang guesting ni Janno sa Wowowin kay nga ang biro ni Willie sa pagdating ng kanyang special guest, “It’s a miracle.”

Bago lumabas si Janno sa show, nagsabi si Willie na hindi na naman daw dumating ang singer-comedian na magiging opening number sana nila.

Pero sa isang bahagi ng Wowowin, nag-announce ang TV host na wala hindi pa rin dumarating si Janno kaya ang pakakantahin na lang niya ay ang driver niya ngunit nang ipaling na ang camera sa lalaking kumakanta, si Janno na pala yun.

Isinumbong naman ng komedyante sa viewers na may mga nag-text sa kanya at nagalit dahil akala nila ay hindi na talaga siya darating sa Wowowin.

Ayon naman kay Wilie, talagang binitin niya ang mga manonood para may surprise factor dahil kahit daw siya ay excited sa guesting ni Janno dahil isa nga ito sa mga paborito niyang singer.

Sinabi pa niya sa isang episode ng Wowowin na matagal na niyang iniimbitahan si Janno sa mga show niya kahit noong nasa kabilang network pa siya pero hindi raw ito sumisipot.

Chika ng TV host, “Alam mo bang gabi-gabi nagdarasal kami, nagpapadasal ako dito, darating ba siya (Janno)? E, ayan na, dumating, it’s a miracle.”

Hirit naman ni Janno, “Ako ba naman eh, tatanggi pa ba ko, eh wala na ngang kumukuha sa akin.”

Request pa ni Willie kay Janno, batiin nito ang kaibigang si Ogie Alcasid. Kaya hirit ng komedyante, “Pareng Ogie, inggit na inggit ka no, panay Facebook ka na lang ngayon.”

Pahayag pa ni Willie gusto rin niyang imbitahan at mai-guest si Ogie sa show niya at wish niya na payagan siya ng kanyang TV network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending