Palpak pa rin: Regine, Ogie muling nabiktima sa online shopping

By Ervin Santiago May 30,2020
share this

Palpak pa rin: Regine, Ogie muling nabiktima sa online shopping

By Ervin Santiago May 30,2020 - 02:33 PM

WALANG kadala-dala ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa pagbili ng mga kailangan nila sa bahay through online shopping.

Muli na namang “nabiktima” ang celebrity couple nitong nakaraang araw nang mag-try uli silang bumili ng isang gamit sa bahay na tila isang “rack” o sabitan.

Ipinost ni Ogie sa kanyang Instagram account ang litrato ng asawa habang hawak ito at nilagyan ng caption na, “Akala po ni misis ay pangmalakihan ang kanyang nabili. Higpit na yakap mahal. #expectationvsreality.” 

Bentang-benta sa mga netizens ang bagong paandar nina Regine at Ogie sa IG, kabilang na riyan ang mga kaibigan nila sa showbiz na aliw na aliw rin sa pinagbibili ng dalawa.

Sa comment section nga ng latest post ni Ogie, ilang celebrities ang aliw na aliw sa kanila ni Regine. Pero may ilang nagtanong kung ano ba talaga ang binili nila.

Tanong ni Michael V. “Ano ‘yan … panghuli ng dalag?” 

Comment naman ni Jaya, “Kaloka Pare ano ba ‘yan?” Na sinundan agad ng tanong ni Mikee Cojuangco ng, “Oo nga. At para saan ba ‘yan?

Isa rin si Kyla sa na-curious sa hawak ng Songbird at nagtanong ng, “Para saan ba ‘to Kuya Ogie?”

Komento naman ni Pops Fernandez, “Parang di kayo successful sa mga online choices niyo (laughing emojis).”

Ito na ang ikatlong beses na ibinandera ng Kapamilya couple ang kanilang nakakatawa at palpak na online shopping experience. 

“Yaman din lamang at naisiwalat na ng aking mahal ang mga kaganapan kahapon, eto po ang ang aking side. Umorder ako ng ‘donutlifesaver’ sa lazada nguni’t laking gulat ko na eto ang dumating. Kaya ayan, pinilit kong gamitin. #salbabidangmaliit #expectationsvsreality @reginevalcasid,” caption ni Ogie sa kanyang post suot ang nabiling floater.

Sa isa naman niyang post, ibinuking ni Ogie ang palpak na nabiling kaldero ng asawa, “Wag ka masyadong magmalaki mahal. Umorder ka ng kaldero na buong akala mo’y pagkalaki laki. But no, ang liit pala nya. 

“Kaya ayan, sa background naka ngiti si donut salbabbida,” caption pa ni Ogie photo ni Regine hawak ang maliit na kaldero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending