Dating TV host-model na nagbebenta ng COVID test kit arestado sa entrapment | Bandera

Dating TV host-model na nagbebenta ng COVID test kit arestado sa entrapment

Ervin Santiago - May 30, 2020 - 02:07 PM

ARESTADO ang dating TV host-model na si Avi Siwa ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pagbebenta ng COVID-19 test kits nang walang permit.

Nahuli si Avi sa isinagawang entrapment ng NBI kahapon na umano’y nag-aalok ng COVID-19 rapid test kits sa pamamagitan ng Facebook.

Wala raw maipakitang kaukulang dokumento ang dating TV host kabilang na ang permit ng Food and Drug Administration (FDA) para mapatunayang awtorisado ang pagbebenta niya ng test kits.

 “Mayroong advisory ang FDA natin na kung ikaw ay involved sa pagbebenta o pagdi-distribute nitong mga test kits kailangan mayroon kang permit or lisensya galing sa kanila,” ayon sa panayam ng GMA News kay Ronald Aguto, hepe ng NBI-International Operations Division (IOD).

Samantala, ayon kay Avi Siwa hindi ilegal ang pagbebenta niya ng COVID-19 test kits. May lisensiya raw siya para gawin ito, “Not as a pharmacist but as a trading medical equipment trading company. I have that!

“I’m registered in DTI, but I can prove myself that I’m not guilty,” paliwanag niya.

Bukod dito, inireklamo rin siya ng isang complainant na nagngangalang Jessilyn Fernando dahil sa P16 million halaga ng bigas.

Ayon sa reklamo ni Fernando, dapat daw ay ipamimigay sa mga residente sa Cebu ang milyun-milyong halaga ng bigas pero hindi umano na-deliver ni Avi.

Paliwanag naman ng inirereklamong modelo, “Nag-release kami ng 800 sacks for there, ‘tapos ‘yung dito rin hindi nabayaran ‘yung kumpletong 10,000 sacks. So siya ‘yung may utang sa akin.

“I don’t why she is doing this para siyang sira. Kung ayaw niya…talagang makikipaglaban ako,” pahayag pa ng modelo na naging host noon sa kauna-unahang LGBT reality show ng GMA 7, ang “OUT!” (2004).

 Naging maingay din ang pangalan ni Avi nang magkaroon sila ng away ni Vina Morales ilang taon na ang nakararaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending