Tito, Vic & Joey proud na proud sa ECQ look; Baste may b-day surprise para kay daddy cop  | Bandera

Tito, Vic & Joey proud na proud sa ECQ look; Baste may b-day surprise para kay daddy cop 

Ervin Santiago |May 30,2020
facebook
share this

Tito, Vic & Joey proud na proud sa ECQ look; Baste may b-day surprise para kay daddy cop 

Ervin Santiago - May 30, 2020 - 12:36 PM

IBINANDERA ni Eat Bulaga host Joey de Leon sa mga Dabarkads ang quarantine look nila ngayon nina Sen. Tito Sotto at Bossing Vic Sotto.

Sa halip na ikahiya at itago, proud na proud pang ipinakita ng tatlong veteran TV host-comedian ang kanilang namumiting buhok.

Sa kanyang Instagram post, ipinagmalaki ni Joey ang kanilang “graying quarantine hair” sa pamamagitan ng isang photo collage.

Aniya sa caption, “Meet DON VINCENTITO, DON BOCCIANO, y DON GIUSEPPE.”

Puro positibong komento ang natanggap ng IG post ng komedyante. Marami ang nagsabi na mas lalo pang gumuwapo ang tatlong movie icons sa kanilang lockdown look.

Kitang-kita rin daw sa bawat hibla ng kanilang white and gray hair ang mga pinagdaanan nila sa buhay, at kung gaano sila naging successful sa larangan ng hosting at pagpapatawa.

                          * * *

Sinorpresa naman ng pinakabatang host ng Eat Bulaga na si Baeby Baste ang kanyang amang frontliner cop na si Papa Sol sa kaarawan nito nitong Huwebes.

Nagsisilbi ngayon ang tatay ni Baste Philippine National Police bilang isa sa mga bayaning frontliner ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman naisipa ng kanyang pamilya na bigyan siya ng regalo sa kanyang birthday.

Ipinost ni Baste sa Instagram ang pa-surprise bila para sa kanyang Papa Sol. Aniya, gumawa pa sila ng tuna pasta para sa ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“My very special birthday gift for our very special frontliner, my Papa Sol Happy Birthday Papa we love you pa #tunapasta #thankyoupapa,” caption ni Baste sa kanyang IG photo.

Isa si Papa Sol sa mga pulis na nahawahan ng COVID-19 noon at matagumpay na lumaban sa killer virus hanggang sa gumaling.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending