Zanjoe naghubo't hubad sa bagong pelikula; lumaban ng laplapan kay Lovi | Bandera

Zanjoe naghubo’t hubad sa bagong pelikula; lumaban ng laplapan kay Lovi

Reggee Bonoan |May 29,2020
facebook
share this

Zanjoe naghubo’t hubad sa bagong pelikula; lumaban ng laplapan kay Lovi

Reggee Bonoan - May 29, 2020 - 01:46 PM

Zanjoe-Lovi

MULI na namang nagpakita ng pwet si Zanjoe Marudo sa iWant original movie na “Malaya” na ipinalabas na simula kahapon.

Ito’y mula sa direksyon ni Concepcion “Connie” Macatuno produced ng Dreamscape Entertainment.

Matatandaang unang nagkaroon ng butt exposure si Zanjoe sa mga pelikulang “One More Try” (2012) sa direksyon ni Ruel Bayani at “Bromance” (2013) na idinirek ng nasirang Wenn Deramas.

Dinaig pa nga niya ang leading lady niyang si Lovi Poe sa kanilang love scene dahil hubo’t hubad doon ang aktor samantalang ang aktres ay hindi man lang nag-alis ng panty at bra.

Mahilig talaga sa babaran si direk Connie kapag love scene na ang kinukunan dahil mahigit sa tatlong minuto yata ang laplapan nina Zanjoe at Lovi. 

Naalala tuloy namin ang unang digital movie ni direk na “Glorious” nina Angel Aquino at Tony Labrusca na talagang kinunan ang lahat ng anggulo ng love scene ng kanyang mga bida, may top shot, may pakanan, pakaliwa at pailalim pa.

Halos ganito rin sa “Malaya” nina Lovi at Zanjoe na nagsimula naman sa salas patungong kuwarto.

Ang labis naming na-enjoy ay ang location ng pelikula, kinunan ito sa Puglia (Italy) noong Oktubre, 2019, base sa kuwento ni direk Connie nang maka-chat namin.

Biro pa namin, sinuwerte sila dahil natapos nila ang movie bago nag-lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang Puglia, Italy ay madalas puntahan ng mga turista dahil dito rin matatagpuan ang Padre Pio Shrine na nasa San Giovanni Rotondo.

Anyway, maganda ang kuwento ng “Malaya” na anytime ay puwede nang panoorin sa iWant at masasabi naming malakas ang chemistry sina Zanjoe at Lovi kaya sana’y mabigyan ulit sila ng project.

 

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending