outbrain

Kim nag-post tungkol kay Lord; minura ng basher, tinawag pang boba

By Ervin Santiago May 29,2020
share this

Kim nag-post tungkol kay Lord; minura ng basher, tinawag pang boba

By Ervin Santiago May 29,2020
share this

KIM CHIU

PINAGMUMURA at tinawag pang boba ng isang netizen si Kim Chiu matapos mag-post sa social media ng mensahe tungkol sa Diyos.

Marami nang nangyari kay Kim mula nang mag-viral ang kanyang pahayag tungkol sa “classroom law” at maging super hit ang kanta niyang “Bawal Lumabas” pero may mga tao pa ring hindi maka-move on sa kanyang mga pagkakamali.

Ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account na may bago naman siyang natanggap na good news ngunit hindi niya binanggit kung ano yun.

Caption ng dalaga sa kanyang IG post, “Just got a great news! salamat po papa Jesus!

“Maraming pagsubok ang buhay pero wag natin kakalimutan nandyan lang siya naka gabay.

“Maraming Salamat po! I lift everything in your mighty name! Amen.”

May kalakip pa itong isang quote card kung saan nakasulat ang, “God will put you back together right in front of the people that broke you.”

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang mensahe ni Kim ngunit may ilan ding nambasag sa kanya. Tulad na lang ng isang hater na nag-comment ng, “Tang i*a mo… ulul….ayusin mo muna utak mo, boba.”

Pero sa halip na gantihan din ng mura at masasakit na salita ang basher, ipagdarasal na lang daw siya ng aktres, “Praying for your inner peace and inner happiness.”

Sinang-ayunan naman ng fans ang ginawa ni Kim at sinabing tama lang na ipagdasal niya ang kaluluwa ng mga taong walang ginawa kundi manira at mam-bully ng kapwa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending