Roque: NCR handa na sa GCQ | Bandera

Roque: NCR handa na sa GCQ

Bella Cariaso - May 28, 2020 - 04:52 PM

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na handa na ang Metro Manila na ilagay sa general enhanced community quarantine (GCQ) mula sa kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa harap naman ng inaasahang public address ni Pangulong Duterte mamayang gabi.

Well, NCR is ready from the data that we have seen, but that really depends on the cooperation of everyone. Lilinawin ko lang po: Kahit anong anunsiyo ng Presidente mamayang gabi, pupuwede po tayong bumalik sa ECQ muli kung ang datos ay magpapakita na napakabilis na naman ng doubling rate – kooperasyon po,” sabi ni Roque.

Nauna nang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdedeklara ng GCQ sa Kalakhang Maynila.

Inamin naman ni Roque na inaasahan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) hanggang walang bakuna kontra sa virus.

“Sa huling datos po na sang-ayon sa … na pinagbasehan ng rekomendasyon ng mga Metro Manila mayors ‘no, halos isang buwan na raw po ang doubling rate ng sakit na iyan. At nakapaghanda naman po tayo nang mas maraming lugar kung saan natin iku-confine iyong mga asymptomatic na mga positive for COVID-19 para iyong mga ospital natin ay matanggap iyong mga seryoso at kritikal na mga kaso,” dagdag ni Roque.

Inaasahang magpupulong ang IATF at si Duterte bago ang nakatakda niyang public address.

“At siyempre po importante rin, balansehin natin iyan, iyong ating ekonomiya ‘no dahil kung buhay naman tayo sa COVID pero wala naman tayong hanapbuhay ‘no, eh ganoon din po ang suma-total. Kaya nga po ang pakiusap natin: mga kababayan, eh makipagtulungan po tayo ‘no – social distancing, good hygiene, manatiling malusog po ‘no nang sa ganoon ay mapabagal pa natin iyong doubling rate ng COVID-19,” ayon pa kay Roque.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na mas tataas ang mga kaso ng COVID-19 sakaling magdeklara ng GCQ sa pagsasabing nananatiling “high risk” ang Metro Manila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending