Pinakamataas na Covid-19 recoveries sa Las Piñas naitala | Bandera

Pinakamataas na Covid-19 recoveries sa Las Piñas naitala

Liza Soriano - May 27, 2020 - 03:32 PM

COVID

NAITALA ngayong araw ang pinakamaraming bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa Covid-19 sa Las Piñas City.

Ayon sa ulat ni City Health Office chief Dr. Ferdinand Eusebio, umabot sa 13 pasyente ang nakarekober sa virus.

Kabilang sa mga gumaling na pasyente ay mula sa mga sumusunod na barangay: BF International-CAA, Daniel Fajardo, Manuyo Dos, Pamplona Tres, Pulanglupa Dos, Talon Dos, Talon Tres, at Talon Singko.

Ayon sa ulat, nasa 264 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa siyudad kung saan 121 rito ang nakarekober na, 29 ang nasawi, isa ang probable habang 53 naman sa suspect.

Ani Dr. Eusebio, lalo pang pinaigting ng siyudad ang screening at contact tracing sa mga residenteng nakasalamuha ng mga pasyenteng nagpositibo sa sakit habang patuloy ang isinasagawang expanded targeted testing.

Target ng tanggapan na makapagsagawa ng rapid at swab testings ng 150 hanggang 200 katao kada araw.

Ikinatuwa naman ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang pagtaas ng bilang ng recoveries sa siyudad.

“Patuloy po ang mga hakbang at suporta ng ating lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating siyudad,” ani Aguilar.

Dagdag niya na ang pagdami ng recoveries ay bunsod ng puspusang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga kaso sa 20 barangay ng lungsod. –Liza Soriano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending