Coco patay kung patay para sa ABS-CBN, Vice Ganda kalma lang | Bandera

Coco patay kung patay para sa ABS-CBN, Vice Ganda kalma lang

Cristy Fermin |May 27,2020
facebook
share this

Coco patay kung patay para sa ABS-CBN, Vice Ganda kalma lang

Cristy Fermin - May 27, 2020 - 11:39 AM

NAPANSIN ng aming mga kaibigan na ibang-iba na ang mga pananalita ngayon ni Vice Ganda sa kanyang mga social media account.

    Naging pino na ang kanyang mga komento, sa terminong ginamit ng isang kausap namin ay “bait-baitan” daw ngayon ang komedyante, hindi na siya nagtataray.

    Sensitibo si Vice bilang tao, alam niya na hindi ito ang mga oras na humihingi ng negatibong reaksiyon, hindi ‘yun napapanahon.

    At kahit pa sabihing kung minsan ay lumalabis ang kanyang dila sa pagsasalita ay alam niya ang kahinahunan ang kailangang gawin sa mga panahon ng paghamon at paghihirap ng buong mundo.

    May mga nagkokomento nga na parang wala raw utang na loob si Vice Ganda dahil hindi siya palaban sa pagpapasarado sa kanilang istasyon.

    Mabuti pa raw si Coco Martin at patay kung patay ang naging postura sa pagtatanggol sa kanilang network, pero si Vice ay suwabe lang, kahit sumasangga rin naman siya.

    Magkakaiba ang atake sa paglaban ng iba-ibang tao. Kung nagpakabayani si Coco sa paglaban ay iba rin naman ang atake ni Vice Ganda.

    Pero ang mahalaga ay ang pakikiisa, ang pagmamalasakit at pagmamahal, kaya nga lang ay idinadaan sa iba-ibang pagkilos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending