Vice kay Marcoleta: Take the congressman as a joke! Chugug! | Bandera

Vice kay Marcoleta: Take the congressman as a joke! Chugug!

Ervin Santiago |May 27,2020
facebook
share this

Vice kay Marcoleta: Take the congressman as a joke! Chugug!

Ervin Santiago - May 27, 2020 - 10:43 AM

VICE GANDA

RUMESBAK si Vice Ganda sa isang kongresista na gumamit sa pang-ookray niya kay Pastor Apollo Quiboloy sa naganap na hearing kahapon para sa ABS-CBN franchise renewal.

Hindi pinalampas ng TV host-comedian ang paandar ni Deputy Speaker at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa naganap na congressional hearing para sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya Network. 

Isa ang kongresista sa mga kumontra sa franchise renewal ng network at para ipakita ang kanyang punto sa usapin nag-playback siya ng video ni Vice kung saan pinagtawanan at ginawang joke ang sinabi ni Quiboloy na siya ang nagpatigil ng lindol noon sa Mindanao.

Bukod dito, ginamit din ni Marcoleta sa kanyang opening statement ang viral “classroom” at “bawal lumabas” video ni Kim Chiu na pinalagan din ng kampo ng aktres at tinawag na katsipan at isang uri ng pambu-bully.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Vice ng, “Hahahahaha!!!! Take the joke seriously.

“Take the congressman as a joke. Chugug!!!” 

Walang binanggit na pangalan ang TV host-comedian sa kanyang post pero naniniwala ang netizens na si Marcoleta ang kanyang tinutukoy na isang malaking joke sa kongreso.

Kung matatandaan, sa live episode ng It’s Showtime noong Nov. 5, 2019, nag-joke si Vice sa sinabi ni Quiboloy na pina-“stop” nito ang lindol sa North Cotabato.

“Naku, kabahan si Cardo. Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

“So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!”

“Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!” ang pang-ookray ni Vice kay Quiboloy.

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa tweet ni Vice laban kay Marcoleta — may mga sumang-ayon sa komedyante pero marami rin ang kumontra sa kanya.

“UU nga meme Vice sineryoso pala nya yun ng todo. hahaha. may pa video Cong. purong joke lng namn yun.. halatang ANTI ABS, bat di nlng nya ideretso hahaay pa video clip pang nalalaman.” 

“This is the result of bobo-tanteng mga pinoy! Mga walang kwetang politiko!!! Ung level ng utak nila napakababa sagad sa lalim nga phil sea!!!”

“Hahahaha! Nakakatawa talaga si Marcoleta. Pero at least nagtagumpay siya sa pagpapapansin. Pinag uusapan sya ngayon ng madlang people. Juicecolored!”

“Ikaw ang big Joke!!! kita nga ang ngala-ngala ni Bolante dahil sa joke mo! Ngaun najoke kayo ng tadhana!”

“Ayan na naman. Tawa na naman. Lait na naman. We’ll see who will have the last laugh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nasaktan si kabayo kaya dinaan nalang sa halakhak pero sapul ang puso at damdamin ng kabayo. Adjustment of the ego lang yan. Hindi mo kami maloloko. Napakasakit kuya eddie.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending