'Napakalaking negosyo ang nalugi kay Coco sa pagkawala ni Cardo' | Bandera

‘Napakalaking negosyo ang nalugi kay Coco sa pagkawala ni Cardo’

Cristy Fermin - May 26, 2020 - 12:28 PM

UMIIKOT ang kuwento ngayon na dahil sa lantarang pagsasalita ni Coco Martin bilang pagdepensa sa ipinasarado nilang istasyon ay sa kanya bumalik ang negatibong epekto ng kadulasan ng kanyang galit na galit na dila.

    Ilang buwan pa lang ang nakararaan ay parang nagkakatusak ang pag-eendorso niya ng iba-ibang produkto. Lahat na lang ay siya ang nagmomodelo.

    Kasi nga ay sikat na sikat siya bilang bida ng kanyang seryeng walang kamatayan, kasi nga ay epektibo siyang tagapag-endorso, pero dahil nga sa sobrang paglalabas niya ng saloobin sa pagpapasarado ng ABS-CBN ay sa kanya nag-boomerang ‘yun.

    Kuwento ng isang source, “Kasi naman, hindi siya nag-iisip, arya lang siya nang arya. Inamin pa niya mismo sa litanya niya na galit na galit siya sa mga taong may kuneksiyon sa pagpapasara sa Dos.

    “Tumodo siya nang husto, hindi man lang niya naisip na baka one day, e, siya ang malagay sa alanganin. Ayan nga, nangyayari na ‘yun sa kanya,” sabi ng aming impormante.

    Maraming ahensiyang hindi na raw nag-renew ng kanyang kontrata bilang endorser, napakalaking negosyo ang nawala kay Coco, dahil hindi naman barya-barya lang ang kanyang talent fee.

    Natural, puwedeng mangyari talaga ang ganu’n dahil sarado na nga ang kanilang istasyon, hindi na napapanood si Cardo Dalisay gabi-gabi sa kanyang serye.

    ‘Yun ang naglalagay sa kanya sa itaas ng laban, ‘yun ang dahilan kaya siya kinukuhang tagapag-endorso ng mga produkto, pero ngayong wala na ang kanilang network sa himpapawid ay hihina na talaga ang puwersa ng action star.

    Tama ang opinyon ng mas nakararami nating kababayan na masyadong ginasgas ng kanyang istasyon si Coco, parang siya ang naging pambala sa kanyon, sa pag-asang magkakaroon ng mga positibong pagbabago kapag naglabas na ng saloobin ang malalaking artista ng network.

    Pero nasa aspeto na ng legal ang labanan ngayon tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, wala na sa paingayan, mga dokumento na ang naglalaban ngayon at hindi basta bibig lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending