Duterte sa mga alegasyon vs Duque: I take full resposibility
MULING ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa harap naman ng mga alegasyon laban sa kanya partikular ang mga umano’y overpriced na PPE.
“Eh ito ngayon wala pang bakuna. So gusto ko lang malaman ng sambayanang Pilipino na I take full responsibility, na ang utos ko na mag — dalian mo. Wala akong pakialam kung saan ka magkuha, magnakaw ka and I remember saying it. I do not care whether you go and steal, borrow or kill a person to get what needs to be done,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.
Idinagdag ni Duterte na nakahanda siyang pakinggan ang paliwanag ni Duque.
“But I gave him the instruction and I admit it in public now, it’s being… Sabi ko sa kanya, ‘do everything you can’. Sabi niya, ‘there’s so many proposition’. I do not care. If it’s not cheap, if it is expensive, go — just go ahead and do something about it kasi ipit na tayo dito. And those were the early days. I remember ‘yung ipit akong…I was boxed in a corner,” dagdag pa ni Duterte.
Iginiit naman ni Duterte na maliwanag ang kanyang direktiba na tiyakin ang tamang paggamit ng P200 bilyong inilaancng Kongreso para sa pandemic.
“I remember distinctly very well that noong napag-usapan ‘yung 200 billion na ibibigay ng Congress…sinabi ko huwag na huwag ninyong — do not fuck up with this pera because it’s really a blood money now needed to keep the nation alive,” ayon pa sa Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.