Claudine humiling sa namatay na ama: Dad I'm in so much pain... | Bandera

Claudine humiling sa namatay na ama: Dad I’m in so much pain…

Ervin Santiago - May 25, 2020 - 05:18 PM

HANGGANG ngayon ay ipinagluluksa pa rin ni Claudine Barretto ang pagkamatay ng kanyang amang si Miguel Barretto.

Pitong buwan na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang tatay nina Claudine, ngunit tila ayaw pa ring tanggapin ng aktres sa kanyang isip at puso na wala na ang ama.

Sumakabilang-buhay si G. Miguel  Barretto noong October, 2019 sa edad na 82. Naging kontrobersiyal pa ang burol nito nang mag-away-away ang kanyang mga anak sa mismong lamay.

Kamakailan, nag-post si Claudine sa Instagram ng isang quote card tungkol sa pagmamahal niya sa kanyang tatay. Aniya, hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit ng pagkawala ng ama.

Caption ni Claudine, “Dear Dad, It’s been 7 months since you left us. I hardly cried maybe because most of the time I was on heavy medication so I wouldn’t Breakdown.

“You can say I’m selfish for wanting you to be here still. I wouldn’t mind taking care of you even more than 16 days of not going home to my kids just to take care and sleep in the ICU, even if it’s bawal and I begged them,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

Inaatake rin daw siya ngayon ng matinding kalungkutan dahil miss na miss na niya ang namatay na ama.

“These past few days it’s now hitting me oh so bad. Dad I’m in so much pain. The kids miss you and me too. Please visit me in my dreams again and again. 

“No medication can ease the pain anymore. My pillows are soaked because of crying and I can’t stop the pain. 

“Dad, please  help me to learn to let go even just a bit. By now im sure you know that I love you more than you’ll ever know, now you know Dad. I miss you and will miss you till my last breath,” mensahe pa ng aktres.

Kung matatandaan, naging national issue ang pagbabangayan ng Barretto sisters sa mismong burol ng kanilang ama. Ito’y nangyari rin habang naroon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagkampihan sina Claudine at Gretchen Barretto laban sa kapatid nilang si Marjorie. Sa isang panayam, natanong noon si Claudine kung bukas pa ba siya sa pakikipag-ayos sa kanyang ate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I haven’t spoken to them on Marjorie’s side. It’s so sad na hati kami. It’s sad na napahiya na naman kami. 

“And sa harapan pa ng presidente. Pero ‘di na bale yun, pero yun second night ganu’n na naman yun away, parang wala nang pag-asa. Maganda na lang pagkatapos nito, tama na, ayoko na,” sabi pa ni Claudine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending