ISANG 60-anyos na Filipina nurse sa Libya ang tinamaan ng artillery fire kahapon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs ang nurse ay nagtamo ng shrapnel wound sa balikat matapos sumabog ang isang artillery round sa labas ng compound kung saan siya tumutuloy kasama ang iba pang Filipino.
Sinabi ni Embassy Chargè d’Affaires Elmer Cato na ang nurse ang ikatlong Pinoy na nasugatan sa gulo sa Tripoli na nagsimula mahigit isang taon na ang nakakaraan.
Mahigit sa 1,000 Filipino ang nagtatrabaho sa Tripoli at mga katabing lugar nito. Karamihan sa kanila ay mga hospital workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.