13 oras na brownout naranasan sa Iloilo | Bandera

13 oras na brownout naranasan sa Iloilo

Leifbilly Begas - May 22, 2020 - 03:51 PM

NAKAKARANAS ng brownout ang mga taga-Iloilo ngayong mainit ang panahon at may pandemya.

Pinaiimbestigahan ito ni Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon na naghain ng House Resolution 785 dahil hindi umano makatarungan ang nararanasang ito ng mga taga-Iloilo lalo ngayong tag-init at mayroong pandemya.

“Ang concern ko lang talaga is yung mga consumers ng Iloilo, na sana hindi sila ma-apektuhan, lalo na ngayong pandemic. Ang problema ko talaga kasi is yung mga long brownouts na nangyayari,” ani Lagon sa virtual Kapihan ng Samahang Plaridel.

Sinabi ni Lagon na nakaranas ng problema sa suplay ng kuryente ang Iloilo nang hindi i-renew ng Kongreso ang prangkisa ng Panay Electric Company (PECO) at ang aprubahan ay ang aplikasyon ng More Electric and Power Company’s (MORE).

“Kung umasa lang sila kay MORE sa ngayon, since wala pang kumpletong facilities si MORE, talagang hindi maiwasan na magkaroon ng mga brownout sa Iloilo City,” ani Lagon.

Noong Mayo 17 ay umabot umano ng 13 oras ang rotating brownout na ipinatupad ng MORE.

“Palagi po ang brownout sa Iloilo City dahil po sa nangyari sa PECO and MORE…nung nakaraan po, 13 hours. Kawawa po ang mga consumer, lalo na po nasa loob ng bahay ang buong pamilya dahil sa COVID-19.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending