Mass testing pinaliwanag ni Vico: Para lang mass wedding, ibig po sabihin maramihan pero di lahat
IPINALIWANAG ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung anong ibig sabihin ng mass testing.
May nagtanong kasing follower niya kung meron ba daw mass testing na magaganap sa Pasig.
“Meron po. Mass testing does not mean everyone gets tested (unless kayang gawin, pero sa ngayon hindi natin kaya ito). It still needs to be strategic and targeted. Parang “mass wedding” ibig po sabihin maramihan. We do hundreds of tests a day.” sagot niya.
https://twitter.com/VicoSotto/status/1263438168658808833
Nitong nakaraan sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na mali ang terminong mass testing.
“Wala pong bansa sa buong mundo na tinetest ang lahat ng kanilang mamamayan. Kaya nga po mali ang terminong mass testing.” ani Roque
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.