Baby Summer manang-mana kay Paolo; Debut ni Kyline tuloy pa rin | Bandera

Baby Summer manang-mana kay Paolo; Debut ni Kyline tuloy pa rin

Ervin Santiago |May 21,2020
facebook
share this

Baby Summer manang-mana kay Paolo; Debut ni Kyline tuloy pa rin

Ervin Santiago - May 21, 2020 - 06:49 PM

#CUTENESS overload at umapaaw na kasiyahan ang tahanan ng Kapuso stars na sina LJ Reyes at Paolo Contis dahil sa aliw na ibinibigay ng kanilang mga anak.

Kamakailan lang, nag-post si LJ ng nakakatuwang video ng kanilang bunso na si Summer sa Instagram at dito, pinasalamatan niya ang bata para sa nadudulot nitong  kakaibang energy sa kanila

“You make me, Papa and Ahya Aki so happy! Filling our home with laughter and so much love in this difficult time!” mensahe ni LJ.

Mukhang manang-mana sa kanyang ama si Summer sa husay nito sa harap ng kamera at pagiging bibo! 

Marami ring fans at netizens ang nakakakuha ng good vibes mula sa mga ina-upload na kulitan moments ni Paolo online kasama ang anak. 

Samantala, patuloy naman sa pagkalap ng donations si LJ para sa mga apektado ng COVID-19 kasama ang iba pang Kapuso moms habang si Paolo naman ay abala sa bago niyang YouTube channel at sa YouLOL.

* * *

Ibinalita ni Kyline Alcantara na nagsisimula na ang kanyang preparasyon para sa kanyang 18th birthday celebration bago pa magkaroon ng enhanced community quarantine sa Luzon.

“Yes. Honestly, nagpe-prepare na ako for my debut like the venue. I’m planning na magse-send na rin sana ako ng designs sa magde-decorate ng debut ko. Magse-send na rin dapat ako sa magbe-bake ng cake ganyan,” kwento niya. 

 

Sa Sept. 3 ay magiging ganap nang dalaga ang Kapuso actress.  Mayroon na rin siyang listahan ng mga gustong imbitahan. 

“’Yung ibang friends ko, na-invite ko na rin, nakapag-ready na rin ako ng list. Sana hindi abutin ng September itong pandemic, pero kung hindi man matuloy, at least we’re all safe. 

“Kumbaga, hindi naman masyadong importante ‘yung debut or ‘yung birthday kumpara sa nangyayari sa mundo,” ani Kyline.

Samantala, kasalukuyang napapanood ang dalaga sa Kambal, Karibal’l gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Para naman sa mga nakaka-miss din sa Bilangin ang Bituin sa Langit, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending