'Fabunan anti-viral injection kailangan nang mairehistro' | Bandera

‘Fabunan anti-viral injection kailangan nang mairehistro’

- May 21, 2020 - 05:28 PM

UMAPELA ng internet personality at philanthropist na si Mario Marcos upang irekonsidera ng Food and Drug Administration (FDA) ang anti-viral injection kontra-Covid-19 na nadiskubre ni Dr. Willy Fabunan.

Matatandaang nag-isyu ang FDA kamakailan ng cease and desist order laban kay Fabunan upang gamutin ang mga pasyente sa Covid-19 gamit ang kombinasyon ng Procaine at Dexamithazone.

Katwiran ng FDA, delisted na o hindi na rehistrado sa ahensya ang Procaine, isang uri ng anaesthetic drug.

“Hindi dapat na maghihigpit sa mga bagay na iyan dahil kailangan iyan ng tao para mailigtas ang buhay niya. May rights siyang mamili ng gamot na gusto niya gamitin,” ani Marcos na sinabing gagawa siya ng paraan para muling mairehistro ang Procane.

Klinaro rin niya na safe at hindi iligal ang Procane dahil aprubado umano ito ng FDA ng Germany at US. “Nagkataon lang na nagsara ang manufacturer at every five years ay nagde-delist ang Bureau of Food and Drug (BFAD). Wala man sa masterlist but safeguarded ‘yan,” sinabi pa ni Marcos, na dating kandidato sa pagkakongresista sa Albay.

Samantala, iginiit ni Fabunan na “mabisa ang kanyang imbensiyon” kahit pa hindi bilib dito ang health department.

Ipinaliwanag niya na ang novel coronavirus ay isang klase ng “envelop virus.” “Itong gamot kong ito ay very specific ‘yan, very specific sa mga envelop viruses,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Marcos na agad sumunod sa utos ng otoridad si Fabunan na pansamantalang itigil ang operasyon ng kanilang mga klinika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending