Meter reading ng Manila Water at Maynilad magsisimula sa Hunyo 1 | Bandera

Meter reading ng Manila Water at Maynilad magsisimula sa Hunyo 1

Leifbilly Begas - May 21, 2020 - 11:11 AM

MAGSISIMULA na ang meter reading ng Manila Water at Maynilad Services Inc., sa Hunyo 1.

Ito ang sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office. Noong Marso itinigil ng dalawang kompanya ang meter reading sa kanilang mga kustomer matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon sa Manila Water kung ang due date ng bill ng isang kustomer ay bago ang ECQ at hindi nito nabayaran maaari itong maputulan ng suplay ng tubig sa Hulyo 1.

Ang mga bill naman sa panahon ng ECQ ay maaaring bayaran sa loob ng 60 araw o maaari ring maputulan kung hindi mababayaran sa Agosto 1.

Ang mga lifeline customer o hindi gumagamit ng mahigit 10 cubic meter ng tubig kada buwan ay aalukin ng talong buwang installment o maaaring bayaran ang kanilang pagkakautang hanggang Agosto. Magsisimula ang putulan sa Setyembre 1.

Ang Maynilad naman ay nagbibigay ng grace period sa pagbabayad hanggang Agosto 31 para sa mga nakonsumo noong Marso hanggang Mayo.

Sa Setyembre ay lalabas na umano ang mga notice of disconnection.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending