Luis, Nadine naloka sa pasabog ng netizen: Paano kung si Vico pala ang nag-imbento ng COVID? | Bandera

Luis, Nadine naloka sa pasabog ng netizen: Paano kung si Vico pala ang nag-imbento ng COVID?

Ervin Santiago - May 21, 2020 - 10:56 AM

LAUGH trip ang dala ng isang post sa social media na nagsasabing baka raw si Pasig City Mayor Vico Sotto ang nasa likod ng pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo.

Pinagtawanan ng mga netizens ang Facebook user na buong tapang na pinangalanan ang alkalde ng Pasig bilang source ng killer coronavirus.

Ipinost ng TV host-actor na si Luis Manzano sa kanyang social media account ang screenshot ng Facebook post na nagsasabi ngang si Vico ang nag-imbento ng 

Sabi ng netizen, “What if si VICO SOTTO PALA ang nag imbinto ng covid-19?

“Idol ni Vico si Yorme Isko kaya kapag binaliktad pangalan nya ‘COVI’ ang lalabas.

“SOTTO kapag binaliktad ‘OTTOS’ (utos),” anito. May binanggit din siya na “4” daw ang favorite number ng batang mayor at ang ikaapat daw na letter sa alphabet “D” na kapag idinagdag sa COVI ay magiging “COVID” na.

At para naman sa number 19, nang i-total daw niya ang mga letter sa mga salitang “PASIG, MAYOR, VICO at SOTTO” ay 19 ang lumabas. Sabi ng netizen, “Inutusan siya ng divel na mag kalat ng virus [shocked emojis] …omg guys sana aware kayo.”

Narito naman ang caption ni Luis sa kanyang post, “Di pa tapos ang laban sa COVID, pero wag natin kalimutan na mukhang na figure ni Anna Marie lahat ng to.”

Comment ni Nadine Lustre sa post ni Luis, “Di ko kinaya.” Na nireplayan naman ng TV host ng, “I think nakapag-aral sa ibang planet!”

Kung matatandaan, nakarating na rin kay Vico ang nasabing FB post, ibinahagi pa nga niya ito sa kanyang Instagram Story at pabirong nagkomento ng, “Totoo kaya to?!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending