outbrain

Matteo: Sobrang thankful na natutulog at gumigising ako katabi si Sarah

By Reggee Bonoan May 21,2020
share this

Matteo: Sobrang thankful na natutulog at gumigising ako katabi si Sarah

By Reggee Bonoan May 21,2020
share this

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMOp

HINDI pala pabor ang manager ni Matteo Guidicelli na si Boss Vic del Rosario sa pagpasok niya noon bilang Scout Ranger sa Philippine Army.

Sa solo mediacon ni Matteo sa pamamagitan ng Zoom app kahapon para sa documentary na “Ranger G”, ikinuwento ng aktor na kontra ang boss ng Viva Films na magsundalo siya dahil delikado.

“I fact, inalok pa niyang gumawa na lang daw ako ng action movie na tungkol sa military kung aksyon din lang gusto ko, e, sabi ko gusto ko talaga kasi dream koi to bata palang ako,” paliwanag ng aktor sa kanyang talent manager.

At bilang negosyante, sinabihan ni Boss Vic ang alaga na kung papasok siya sa Army, dapat may bitbit siyang palabas na ibig sabihin, dapat idokumentaryo niya ang lahat ng gagawin at mangyayari sa pagdaraanan niyang training.

 

Inaming pinakiusapan ng aktor ang immediate supervisor niya kung puwedeng kunan ang lahat ng gagawin niya. Noong una raw ay ayaw pumayag pero sa bandang huli ay umokey na rin.

Gusto rin daw kasi nilang malaman ng publiko kung gaano kahirap ang dinaranas na training ng mga gustong magsundalo.

May mga ilang senaryo lang na hindi pinayagang kunan na agad namang sinunod ni Matteo. Kailangan ding sundin ang rules and regulations sa loob ng kampo ng kanyang videographer.

Sa Camp Pablo Tecson sa Bulacan ginanap ang training ni Matteo kung saan sinubok ang kanyang tibay ng loob, isip at katawan.

 Sa Scout Ranger unit itinuturo ang anti-guerilla jungle warfare, raid, close quarters combat, at urban warfare at bahagi rin ng dinanas niya ang matinding physical workout, military hazing at torture simulation.

Samantala, tinanong namin kung kumusta na ang buhay may-asawa at kung ano pa ang mga nadiskubre niya sa misis niyang si Sarah Geronimo simula nu’ng nagsama sila sa iisang bubong.

Tumawa muna ang aktor, “Marami, marami po, but I think every single day is a blessing and every single day is, I’m so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now is like a dream, very thankful.”

Marunong na bang magluto si Sarah at ipinagluluto na ba siya? Tinuruan ba niya si misis since marunong din siyang mangusina?

“Mix, eh (tumawa), take turns. Siyempre naman (marunong na magluto ang singer-actress), kaming dalawa, everyday we learn from each other and everyday we’re learning,” tugon ng aktor.

Anyway, mapapanood na sa Sabado, Mayo 23 ang “Ranger G” sa direksyon ni Ver Jacinto at isinulat ni Jayson Bernard Santos, sa iWant  handog ng Viva Films.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending