‘Bentahan’ sa Saudi legal | Bandera

‘Bentahan’ sa Saudi legal

Susan K - August 14, 2013 - 07:00 AM

MAHIGIT limang buwan lamang na nakapagtrabaho si Delia Nicolas sa unang employer nito sa Jeddah, K.S.A. Umalis siya noong Mayo 2010.

Sa buong panahong iyon, wala siyang suweldong natanggap mula sa amo. Dahil doon, nagpaalam na aalis na lamang ngunit di naman siya pinayagan ng amo.

Dahil wala namang suweldo, huminto sa pagtatrabaho si Delia. Pero ginipit siya ng amo. Pinutulan siya ng kuryente, hanggang sa sumunod na lamang siya sa kaprtiso nito.

Ibinenta siya sa ikalawang employer sa halagang 18,000 SR.

Iyon ‘anya ang kabayaran ng mga ginastos niya sa pagkuha sa ating OFW. Alba International Placement Services ang ahensiyang nagpaalis kay Delia.

Nagreklamo doon ang kaniyang mga kapamilya, ngunit sinasagot lamang silang wala na ‘anyang pananagutan ang ahensiya kay Delia.

Tumawag si Delia sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah at may nakausap siyang Raymond ang pangalan. Nagsusumbong si Delia na ibinenta siya ng kaniyang employer.

Sagot naman nung Raymond, legal naman ‘anya ang bentahan sa Jeddah.

Gayong nagulat sa sagot ng taga Konsulado ng Pilipinas na legal naman pala ang naturang bentahan, kaya’t sa pakiwari ni Delia, wala na nga siyang magagawa, kundi maging sunud-sunuran na lamang sa kagustuhan ng kaniyang ikalawang employer.

Isa pa, paulit ulit na sinabi rin ng mga kapamilya nito na wala na rin namang obligasyon ang kaniyang ahensiya anuman ang mangyari sa kaniya doon.

Kinundisyon ni Delia ang sarili na kailangan niyang tapusin ang kontratang natanguan pati na rin ang mahigit isang taong extension na ipinataw sa kanya.

Nagtrabaho sa salon at naging mananahi si Delia. Pinaglilinis din siya ng kulungan ng mga manok doon.
Mula sa orihinal na 1500 SR na sahod, naging 1200 SR iyon, at sa halip na dalawang taon lamang ang kontrata, umabot ito ng tatlong taon.

Ngayong nakabalik na ng Pilipinas si Delia, katarungan ang hiyaw nito sa laban sa Alba agency na siyang nagpaalis sa kaniya at siyang dapat managot sa lahat ng sinapit ng ating kababayan sa Jeddah.

Matapos marinig ang reklamo ni Delia, ipinadala siya ng Bantay OCW sa tanggapan ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac upang papanagutin ang kaniyang ahensiya. Hangad namin na sa pagkakataong ito, matitikman ni Delia ang katarungang ipinagkait sa kaniya sa Saudi Arabia.

Mula sa Facebook account ng Bantay OCW, narito ang mensahe ni EPC : Hello po Ma’am Susan, gusto ko po sanang humingi ng advise or help sa problem ko dito sa Riyadh. First timer po akong lumabas ng Pilipinas. Dito ko na lang po nalaman na ilegal ang nangyari sa amin. Ban pala DH dito, ibang name ng employer ko. Mag five months pa lang po ako ngayon. Hindi po ibinibigay ng buo ang sahod ko dahil gusto po nang Arabo may monthly savings daw po ako sa kanya na 300 Saudi Riyal. Wala po akong dayoff, wala din pong Iqama. Sinubukan ko pong magpaalam umuwi kahit sa akin na po ang pamasahe, pero hindi po siya pumayag. Bayaran ko daw po muna ng 3,000 SR, saka lang niya ako pauuwiin sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat ko po bang bayaran ang 3K dollar na ginastos ng agency para sa akin? Please Ma’am, help me, thank you po!
Reply: Gayong hindi nabanggit ni EPC kung anong ahensiya ang nagpaalis sa kaniya sa Pilipinas, paglabag din sa kontrata (kung mayroon man kayo!) na bawasan ng Arabong amo ang iyong suweldo at pilitin kang mag-save na ipatatago sa kaniya. Hindi rin tama na wala kang Iqama, napakahalaga niyan dahil iyan ang iyong working visa, dapat ding may day off ka. May contract violation sa iyong mga nabanggit, at hahabulin natin ang agency mo dito sa Pilipinas. Ipagbibigay alam na rin natin ito sa kaalaman ng ating Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Philippine Embassy sa Riyadh, K.S.A.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending