LABING siyam na overseas Filipino workers ang nasunod na ng Valenzuela City government mula sa mga quarantine facilities ng Overseas Workers Welfare Administration.
Nagsimula noong Lunes ang pagsundo ng lokal na pamahalaan sa mga OFW na residente ng lungsod.
“We are now taking care of their lodging and testing in the city,” ani Mayor Rex Gatchalian sa isang post. “Would like to thank DFA for bringing them home to the country and thank you OWWA for watching over them….we’ll be responsible for them now.”
Ang mga ito ay sasailalim sa coronavirus disease testing.
Kapag lumabas ang resulta sa loob ng 48 oras, pauuwiin na ang mga magnenegatibo.
Makatutulong umano ang Sweeper Bus operation ng Valenzuela City upang mapaluwag ang mga quarantine facilities ng OWWA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.