Pension sa SSS binitin? | Bandera

Pension sa SSS binitin?

Lisa Soriano - August 14, 2013 - 07:00 AM

DEAR Aksyon Line,
Ang tatay ko ay lagpas ng 60 years old. Siya ay miyembro ng SSS sa loob ng 9 na taon. Noong i-process namin ang papers nya para sa pension, hindi pa raw pwedeng magpensyon ang tatay ko at kinakailangang tapusin ang 10 taon bago siya makapagpensyon.

Gusto kong bayaran nang buo ang nala-labing isang taon na kulang sa kanyang hulog. Subalit ang sabi sa amin ng taga SSS ay wala raw reactivation. Kailangang bayaran daw namin ito buwan-buwan o kaya ay iadvance payment yong isang taon pero hihintayin pa ring matapos ang isang taon bago mai-process ang pension nya. Hindi ba unfair ito sa mga members na walang reactivation? Paki explain namang maigi sa mga members ang ganitong sitwasyon. Maraming salamat po.
Jing

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa liham ni Jing kung saan idinulog niya ang problema ukol sa retirement claim ng kanyang ama.
Para mag-qualify sa lifetime retirement pension, ang isang member ng SSS ay dapat mayroong hindi bababa sa 120 monthly contributions, umabot na sa 60 years old at wala ng trabaho o pinagkakakitaan.
Ang member naman na nagtrabaho hanggang age 65 ay qualified sa lifetime retirement pension kapag siya ay may hindi bababa sa 120 monthly contributions, may trabaho man o wala.

Dahil nine years lang nakapaghulog ang father ni Jing, kailangan muna niyang ipagpatuloy ang paghuhulog para makumpleto ang required na 120 monthly contributions.
Nasabi ni Jing na si-nabi daw ng SSS employee sa kanila na hindi pwede ang “reactivation”. Nais po namin itong linawin na ang hindi po pwede ay ang “retroactive payments.” Dahil pinapayagan ang kanyang father na ipagpatuloy ang paghuhulog ay nangangahulugan lamang na pwedeng i-reactivate ang pagbabayad sa SSS.
Hindi pinapayagan ng batas ng SSS ang retroactive payments para sa mga self employed at voluntary members. Ito ang dahilan kung bakit pinayuhan siya na bayaran ito buwan-buwan o kaya ay i-advance payment.
Sadyang hihintayin ang pag-post ng mga contributions na ito bago mapayagan ang father ni Jing na mag-file ng kanyang retirement claim.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Jing.
Salamat sa inyong pa-tuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV
SSS MEDIA
AFFAIRS
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending