Betong tinawag na mayor at first lady sina Paolo at LJ: Salamat sa ayuda!  | Bandera

Betong tinawag na mayor at first lady sina Paolo at LJ: Salamat sa ayuda! 

Ervin Santiago - May 20, 2020 - 08:58 AM

 

“MAYOR” at “First Lady” ang tawag ni Kapuso TV host-comedian Betong Sumaya sa celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes.  

Todo ang pasalamat ng komedyante sa kaibigan na si Paolo para sa “ayuda” nitong pagkain na personal pa talagang iniabot ng aktor sa kanya.

Ayon kay Betong, regular ang pagbibigay ng pagkain sa kanya nina LJ at Paolo simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Ibinahagi ito ng komedyante sa ipinost niyang video ng pagkikita nila ni Paolo sa Instagram.

“’Mayor Paolo Contis’ at First Lady LJ Reyes’ maraming salamat ulit sa ‘ayuda.’ God bless you always,” caption ni Betong sa kanyang IG post.

Samantala, sa panayam ng GMA kay Betong, sinabi niyang sa panahon ng kagipitan at krisis tulad ngayon ay mas makilala ng tao ang mga tunay na nagpapahalaga sa kanila.

“Sa panahon ng kagipitan doon mo makikilala ang mga tunay mong kaibigan.

“Ako, I’m so thankful na hindi man lang ako humingi ng tulong sa mga kaibigan ko, mga kapwa ko artista, nagbigay sila ng tulong sa akin.

“Pinadalhan nila ako ng pagkain kahit hindi ako humihingi. So I’m so thankful sa mga masasabi kong mga angel ko,” pahayag ni Betong.

At hindi lang pala si Paolo ang nagbigay ng ayuda sa kanya, pinadalhan din daw siya ng pagkain nina Boy 2 Quizon, Kakai Bautista, Aubrey Carampel, Susan Enriquez at Boobay.

“Unexpected. Sina Paolo Contis, Boy 2 Quizon, Divine, Kakai Bautista, Aubrey Carampel, Susan Enriquez, Boobay.

“Nakatulong sila sa akin, sobrang laking tulong dahil sa mga pinadadala nilang pagkain e, talagang parang nadugtungan ‘yung panahon na iniisip ko ano’ng uulamin ko. Sobrang thankful ko talaga sa kanila,” pahayag pa ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan, inamin niyang mag-isa lang siya sa bahay habang naka-quarantine at hindi siya marunong magluto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending