Coco nagmakaawa: Please nakikiusap kami, sumunod tayo sa gobyerno | Bandera

Coco nagmakaawa: Please nakikiusap kami, sumunod tayo sa gobyerno

Alex Brosas - May 19, 2020 - 04:01 PM

AS reported by a website ay nanawagan si Coco Martin na makipag-cooperate ang mga Pinoy sa gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19 virus. 

Sa pilot episode ng  “Promdibate”  na lumabas kahapon ginawa ni Coco ang kanyang panawagan.

“Nakikiusap po kami sa lahat ng mga Filipino na sana po ay sumunod tayo sa panuntunan ng ating gobyerno. 

“Hanggang ngayon po ay wala pa ring gamot laban sa virus na kumakalat sa buong mundo. Marami na po ang namatay at patuloy pa rin po ang pagkalat ng virus.

“Sa ngayon po, tanging disiplina at pakikipagkooperasyon ang ating panlaban. 

“Pagod na pagod na po ang ating frontliners at marami sa ating doctors at nurses ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mailigtas lang po tayo. Kaya please nakikiusap po kami sana po ay sumunod naman tayo.”

‘Yan ang panawagan ni Coco sa lahat ng mga Filipino lalo na roon sa mga pasaway na patuloy na lumalabag sa quarantine protocols.

Nangangamba ang lahat na baka lumobo pa ang bilang ng positive COVID-19 virus cases dahil sa paglabas ng maraming tayo matapos ibaba ng gobyerno ang modified enhanced community quarantine at modified general community quarantine. 

 Marami kasing video posts na kuha sa mga malls kung saan makikita ang maraming tao at tila hindi na na-observe ang social distancing. 

Kaya ang fear ng karamihan lalo na yung sumusunod talaga sa mga utos ng gobyerno ay baka magkaroon pa ng second wave ng virus at mabelawala ang effort ng government sa health crisis.

Samantala, ang “Promdibate” ay isang online rap battle show ftom Dreamscape Entertainment hosted by couple Kim Molina and Jerald Napoles na kasama ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang topic ng rap battle ay, “Saan ka mas takot, ang mamatay sa COVID-19 o ang mamatay sa gutom?” Naglaban dito sina Bassilyo at Smugglaz. 

They also asked the public na mag-ingat at huwag munang lumabas ng bahay. Kasama rin sina Bassilyo at Smugglaz sa “Ang Probinsyano.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending