Lipad Darna, Lipad: Angel nakaisip agad ng paraan para sa mass testing
ISANG bayaning frontliner din na maituturing si Angel Locsin ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Kung saan-saan din kasi siyang lugar nakakarating para maghatid ng tulong kasama ang fiancé na si Neil Arce at ilang kaibigan. Sabi nga ng aktres, “Lima lang kami sa team, ate.”
Tumatak na talaga sa mga Pilipino na ang pagiging tunay na Darna ni Angel kaya naman kaliwa’t kanang papuri ang natatanggap niya lalo na ang mula sa mga nabigyan niya ng tulong kasama rin ng mga kaibigan niyang donors.
Naisip namin dati na hindi na kami magtataka kung isang araw ay gawan siya ng rebulto dahil sa dami ng kanyang nagawa at natulungan sa tuwing may kalamidad at krisis sa bansa.
At heto, hindi pala rebulto ang ginawa para papurihan ang aktres, ipininta ang mukha niya ni AG Sano (mural painting) sa isang condominium sa Teachers Village, Quezon City. Naka-Darna siya costume na may suot na face mask (tulad ng disenyo ng birthday cake na bigay ng daddy niya at ni Neil).
Ang katawang bahagi ng painting ay naka-PPE suit, may stethoscope at gloves na kumikilala naman sa health workers.
Ang caption ng pintor, “Isang munting Art Attack regalo mula sa aming Art Atak Team upang magbigay pugay sa ating mga Frontliners. Salamat sa mga frontliners all over the world! #FrontLineHeroes.”
Pinuri ni Angel ang gawa ni AG Sano na nakilala niya noong ginagawa niya ang La Luna Sangre.
Ni-repost ni Angel ang mga litrato mula sa FB page ni AG Sano na ang caption ay, “Hero in disguise.
By AG Saño.
“The artwork aims to pay tribute to the healthcare workers in the COVID-19 frontlines. To our brave frontliners, Kayo po ang real-life superheroes and thanking you for your selfless service isn’t just enough.
“Maraming-maraming salamat sa inyo. Isang malaking karangalang maging inspiration mo sa pagpinta, AG Saño, at salamat sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon through your artwork.
“Nagkita na tayo dati sa La Luna Sangre, I remember because you are remarkable like your craft. Keep it up!”
Samantala, pagkatapos ng #UniTentWeStandPH campaign para sa frontliners ay heto’t muling binuhay ni Angel ang kampanya niya noong 2009. Ito ay ang 2020 Shop & Share para naman sa pagsuporta nila sa mass testing.
Nitong Lunes ay ibinalita ni Presidential Dpokesperson Harry Roque na wala ng budget para sa mass testing.
“As much as possible po ano, ini-increase natin iyong capacity natin ng testing, kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000.
“Pero in terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million, wala pa pong ganyang programa at iniiwan natin sa pribadong sector.”
Kaya agad nang kumilos si Angel para tugunan ang isyung ito. Post ng aktres sa kanyang Instagram account, “To our friends and fellow artists…
“Hi. It’s been a while since we’ve done this way back in 2009 in fact when we first put up Shop and Share to help those who were affected by Typhoon Ondoy.
“We had actors, singers and even basketball players donate personal items from designer bags, clothes, jerseys, jewelry, etc., and we auctioned them off on Ebay, with all the proceeds going to the Philippine Red Cross.
“And, now, we humbly reach out again. These are hard times, truly frightening times for the Filipino people, especially with corona virus cases still on the rise. Many have been doing their part in trying to give hope or just to make each day easier for those who are in need.
“And the hard truth is they will remain in need as COVID-19 remains the invisible enemy amongst us changing our lives and sadly disrupting livelihoods.
“We would like to revisit the idea of artists coming together and helping those who need it the most. This time, with the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country.
“Yes, in support of mass testing. Because in this way we can make a higher impact, by pushing the TEST-TRACE-ISOLATE/TREAT formula that is the only proven way to defeat the virus.
“If you are keen please do let us know. We do hope you can join us as we all work together to help flatten the curve in the Philippines in our little way. God Bless You,
Team Shop & Share.”
Tanda namin, isinubasta ni Angel ang kanyang Vintage 1970 Chevrolet Chevelle para itulong sa Yolanda survivors noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.