Presyo ng gasolina, diesel, kerosene tataas
Leifbilly Begas - Bandera May 18, 2020 - 08:37 PM
TATAAS ang presyo ng produktong petrolyo bukas (Mayo 19).
Ang Petron Corp., Pilipinas Shell at UniOil ay magpapatupad ng P1.25 kada litrong pagtaas sa presyo ng gasolina.
Nagkakahalaga naman ng P0.55 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel.
Ang kerosene ng Petron at Shell ay magtataas ng P2.35 kada litro.
Ipatutupad ng tatlong kompanya ang pagtataas simula alas-6 ng umaga bukas.
Inaasahan na ganito rin ang itataas ng presyo ng iba pang kompanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending