Awra nagluluksa sa pagpanaw ni ‘tatay-lolo’, may binitiwang pangako
NAGLULUKSA ngayon ang Kapamilya youngstar na si Awra Briguela dahil sa pagpanaw ng kanyang “tatay lolo”.
Isang madamdaming mensahe ang ipinost ni Awra sa Instagram kung saan muli niyang ipinagsigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang kanyang lolo na siyang nagpalaki sa kanya.
Ipinost ni Awra ang ilang litrato ng kanyang Lolo Victor sa IG kalakip ang mahabang mensahe para rito.
“Hindi ko alam pano uumpisahan to, hindi ko alam ano pang mga susunod, hindi ko alam pano ulet babangon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. bakit kase ngayon pa?” simulang pahayag ni Awra.
“Bakit iniwan mo kame tatay.. hindi ko lubos maisip lahat ng nangyari, bago ka dalhin sa hospital nangako ka saken nag promise ka saken na mag papagaling ka.. kinabukasan agad kitang dinalaw.. pag dalaw ko malakas ka pa, suminyas ka saken na ok kana uuwi na tayo…
“Bakit kahapon at kanina biglang naging irregular vitals mo… biglang bumigay puso mo. ilang beses ako lumapit sayo at hinawakan ang kamay mo habang kinakausap ka bakit hindi kana nasagot? nangako ka saken di ba? nag promise ka na uuwi tayo di ba?
“Sabi mo saken bago ka dalhin sa hospital ‘wag mo kong pababayaan’ ginawa ko naman yun tatay sabi ko sayo ako bahala sa lahat. may pangako pa ko sa inyo ni nanay. sobrang sakit makita kang nahihirapan pero mas masakit malaman na kami ay iniwan mo na.
“Lagi kitang nasa dasal. lagi kong hiling na maging okay ka. kahit ako nalang yung mahirapan wag na kayo ni nanay okay lang saken… simula bata ako ikaw yung nag turo saken maging matapang at maging siga.
“Kaya nung nahihirapan ka binabalik ko sayo yun sabi ko sayo ‘matapang ka, kaya mo yan’ alam kong ginawa mo lahat, alam kong lumaban ka hanggat kaya mo. sobrang sakit tatay ko hindi ko pa natutupad pangako ko sayo. pero yung sinabi mo saken na ‘wag mo kong pababayaan’ kay nanay ko nalang gagawin,” pagpapatuloy pa niya.
Pangako naman niya sa pumanaw na lolo, “Aalagaan ko si nanay. Lagi mo sana kameng gabayan wag na wag mo kameng pababayaan.. alam kong may rason ang panginoon bakit nangyayari to. sunod sunod problema walang katapusang problema panibagong bigat nanaman ang madarama.. lahat kakayanin ko kase alam kong kasama kita.
“Siguro tatay oras mo na talaga kase kitang kita nameng lahat kung gaano ka katapang ilang beses kang lumaban pero bumigay na talaga yung katawan mo e. sa totoo lang hindi ako makapaniwala hindi ko alam gagawin ng wala ka.. pero kailangan kong maging matapang at matatag para kay nanay.
“Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal sobrang mahal na mahal ka nameng lahat.. salamat sa lahat lahat tatay.. hinding hindi kita makakalimutan… salamat sa lahat ng suporta at pag mamahal na binigay mo,” pagtatapos ni Awra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.