Angel sa tumawag sa kanya ng bobo: Lagot ka pag ipinakita ko ang account mo sa NBI!  | Bandera

Angel sa tumawag sa kanya ng bobo: Lagot ka pag ipinakita ko ang account mo sa NBI! 

Alex Brosas - May 18, 2020 - 03:37 PM

ANGEL LOCSIN

NAGBANTA ang isang basher kay Angel Locsin na ipasasara niya ang social media account ng aktres.

Hindi nagustuhan ng female basher ang hanas na ito ni Angel: “Sa mga (fake) accounts na hinaharass kami para manahimik, pasensya na po kayo at hindi kami magpapa-bully. You’ve created your worst nightmare. wala kayong power sa amin.”

“Excuse me po? Really? Idol pa naman kita pero ang b*b* mo miss angel. Review your post. B*b* nyo ni kim and coco. Honestly. 

“Pinagyayabang mo kasi that we can’t shutdown ur account. Pati account neo shutdown rin in a few days. You will regret it.”

Agad naman nag-reply si Angel and said, “Is this a threat? Kasi lagot ka pag pinakita ko ang account mo sa NBI. Naka-gather na ako ng enough evidence na ikaw ang main suspect pag may nangyari sa account ko.”

Ipinagtanggol naman si Angel ng fans niya.

“Ang hirap sa mga tao sa social media sobrang tapang at talino rumason pag Di kaharap ang tao.” 

“Akala nila matalino’t magaling na sila pag nag comment o post at na kakuha ng likes at sinang ayunan ng iba. Kahit eto pa ay pang hahamak sa iba.”

“Isang munting paalala hindi dahil naka pag tagpi ka ng rason na akala moy tama ay ikinaganda na ito ng pagkatao mo. Laging ipaalala sa sarili, kung sa tingin mo ay ikaw ang parating tama o pinakamagaling sa grupo kung san ka nabibilang malamang nasa mali kang grupo.”

“Surround yourself with people who are smarter and better than you so you learn but if you surround yourself with bashful and hateful people you’ll be as miserable as they are.”

“Yan na po ang sinasabing, kahit ano pa tulong ng sang tao,lagi pa ring me mali para sa kanila! Mabait ka, ginagawan ka pa ng mali…stay strong ms. angel nasa tabi nyo lagi ang pagmamahal ni god.”

“Ganyan talaga. May mga tao talagang sagad sa kasamaan…sa dami ng naitulong ni angel? sa ibang masasama ang ugali..makakarma rin kyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending