Bank manager, 2 pa huli sa buy-bust | Bandera

Bank manager, 2 pa huli sa buy-bust

Leifbilly Begas - May 14, 2020 - 05:58 PM

Arrested

ARESTADO ang isang bank manager at dalawa nitong kasama sa buy-bust operation sa Quezon City kagabi.

Naaresto ang bank manager na si Robby Cas, 34, ng San Andres, Manila at ang mga kasama niyang sina Rodolf John Lazaro, 28, college student, at Mark Anthony Estillore, 36, motorcycle food delivery service crew, mga taga-Parañaque City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Police Station 8 sa 18th Ave. malapit sa P. Tuazon Blvd. Brgy. San Roque, Murphy, alas-10:30 ng gabi.

Nasamsam umano sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P24,500.

Samantala, naaresto ng Masambong Police sa buy-bust operation si Arnold Macaraeg, 36, alas-8:40 ng gabi sa Posooy st. Brgy. Masambong. Nakumpiska sa kanya ang P34,000 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Talipapa Police sina Dondon Gomez, 39, at Antonio Gomez, 34, alas-6 ng gabi sa Roque 1 Extension, Brgy. Pasong Tamo. Narekober umano sa kanila ang P68,000 halaga ng shabu.

Naaresto naman sina Rizal Rodriguez, 35, Jocelyn Bustamante, Albert Peralta, 29, Renie Jamir, 33, at Joshua Lionel Palicte, 35, alas-7:50 ng gabi sa General Ave.Brgy. Bahay Toro. Narekober umano sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu.

Nasakote naman ng Galas Police si Anna Buenaflor, 49, ng Sampaloc, Manila, alas- 7:30 ng gabi sa Bayani st., Brgy. San Isidro. Dalawang sachet ng shabu umano ang narekober sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending