3 luxury car ni Derek binebenta na; paghahanda sa kasal nila ni Andrea?
TATLONG luxury cars ang ibinebenta ngayon ng Kapuso actor na si Derek Ramsay.
Sa kanyang official Facebook page, ipinost ng hunk actor ang mga mamahalin niyang sasakyan na “for sale” na raw.
Makikita sa FB post ng boyfriend ni Andrea Torres ang kanyang Aston Martin DB11, Ferrari F12 Berlinetta, at Rolls-Royce Ghost na siguradong milyun-milyon ang halaga.
Caption ni Derek sa kanyang FB status, “Time to sell my toys. Message me if interested.” Hindi naman inilagay ng binata kung magkano niya ibinebenta ang kanyang luxury cars.
Sa mga interesadong buyer, i-direct message n’yo na lang ang aktor.
Samantala, marami naman ang nagtanong kung bakit biglang naisipan ni Derek na idispatsa na ang kanyang mga “baby” na matagal din niyang inalagaan.
Isang netizen ang nagkomento na baka raw ito na ang sign na malapit nang pakasalan ni Derek si Andrea at ang feeling daw niya, ang mapagbebentahan ng kotse ay gagamitin ni Derek sa wedding nila.
May nagsabi naman na pwedeng iba na ang priority ngayon ni Derek, baka mas gusto na nitong maging family man at kalimutan na ang pagiging collector ng luxury cars.
Isang fan naman ng aktor ang nagsabi na baka raw ilalaan ni Derek ang bahagi ng mapagbebentahan ng kanyang mga kotse sa patuloy niyang pagtulong sa COVID-19 relief mission.
Mula nang ipatupad ang lockdown sa bansa dulot ng health crisis, isa si Derek sa mga celebrities na wala ring tigil sa pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho pati na sa frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.