Bashers kay Korina: frustrated First Lady, walang binatbat kay Jessica  | Bandera

Bashers kay Korina: frustrated First Lady, walang binatbat kay Jessica 

Ervin Santiago |May 14,2020
facebook
share this

Bashers kay Korina: frustrated First Lady, walang binatbat kay Jessica 

Ervin Santiago - May 14, 2020 - 09:06 AM

SUNOG na sunog kay Korina Sanchez ang mga netizens na nanglait, nang-okray at nagkumpara sa kanya kay Jessica Soho.

Isa si Korina sa mga tinatawag ngayong bagong Patola Queen sa social media dahil talagang sinusupalpal niya ang mga bashers na walang ginawa kundi hanapan siya ng butas at banatan.

Nitong mga nakaraang araw, naglaan uli ng oras ang Kapamilya broadcast journalist para supalpalin ang mga haters na post nang post ng negative comments sa kanyang mga Instagram post.

Tuloy pa rin ang pagpo-post ni Korina sa social media ng kanyang saloobin tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN na sinasang-ayunan naman ng kanyang followers. 

Pero tulad ng nararanasan ngayon ng mga Kapamilya stars, binabanatan din ngayon si Korina ng mga galit sa ABS-CBN. 

Bukod sa pagtawag sa kanya ng laos, masama ang ugali at puro pagpapaganda lang ang alam, wala rin daw siyang binatbat sa galing at talino ni Jessica Soho bilang host at broadcast journalist.

May nagsabi rin na mas gusto pa rin nilang panoorin ang Kapuso Mo Jessica Soho ni Jessica kesa sa Rated K ni Korina.

Narito ang ilan sa mataray at patol lines ni Korina laban sa mga laiterang bashers.

“So what are you doing in my page? Secret fan? Couldn’t help yourself?”

“Pahiram ko sayo mga trophy ko sabit mo sa leeg mo para makuba ka? Halika.”

“Gawin mong kuwintas ang mga awards namen para makuba ka at mapaluhod sa harap namen buysit.”

“But you like being on my page? Duuuuuhhhh. Youre kinda halatang big fan ko hah! Im flattered [laughing emoji].”

Sinunog din niya ang netizen na nagsabing wala raw siyang binatbat sa CNN anchor na si Anderson Cooper, “Kawawa ka naman. Parang give na give ang pananakit mo.

“Pero baket wa epek? Ah alam ko na. Kasi nag iisa ka sa milyon na nega.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I sige na nga di kita erase para mapagmalaki mong naka post ka ng kabobohan.”

Sinopla rin niya ang basher na tumawag sa kanyang “frustrated First Lady,” “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave. Sakapang bruha. Out!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending