Hugot ni Daniel: Bago ho ako maging artista, tao at Pilipino muna ako | Bandera

Hugot ni Daniel: Bago ho ako maging artista, tao at Pilipino muna ako

Ervin Santiago - May 13, 2020 - 09:34 PM

DANIEL PADILLA

ISANG mahinahon at kalmadong Daniel Padilla ang humarap sa madlang pipol para ipagtanggol at iparamdam ang pagmamahal sa ABS-CBN.

Nag-post si DJ ng isang video sa Instagram gamit ang hashtag #LabanKapamilya kung saan mapapakinggan ang kanyang saloobin sa pagpapatigil ng operasyon ng ABS-CBN.

“Nakakalungkot ho ang nangyayari ngayon. Nakakalungkot na dapat nagkakaisa tayo at may hinaharap tayong pandemya, ay nalilihis ang usapan at nagkakawatak-watak pa tayong mga Pilipino dahil sa pagkakaiba ng opinyon,” simulang pahayag ng aktor.

“Bilang Pilipino, tungkulin natin na maging mapagmatyag. Karapatan natin ang magsalita. Pero kasama ng karapatan na ‘yan ay responsibilidad — responsibilidad na siguraduhin na ang sinasabi natin ay tama at higit sa lahat ay makatao at para sa tao.

“Nakakadismaya hong makita na ang ibang mga kasamahan namin sa industriya na piniling magsalita ay iniinsulto. Wala naman ho silang ibang layunin kundi muling magbukas ang ABS-CBN.

“Ang gusto lang naman ho nila ay mapawi ang takot na nararamdaman ng mga empleyado na maaaring mawalan ng trabaho,” aniya pa.

Tanong niya sa mga bumabatikos sa mga Kapamilya stars, “Ano ho bang masama sa manindigan sa sariling kabuhayan, at sa kabuhayan ng marami?

“Sa lahat ng mga pumupuna, nagsasalita, alam ko ho magkakaiba tayo ng opinyon. Alam ko na kung anuman ang halaga sa amin ng ABS-CBN ay maaaring hindi iyon ang halaga nito sa inyo. Pero sana ho huwag tayong makalimot na rumespeto sa pinagdadaanan ng iba,” pahayag pa ng boyfriend ni Kathryn Bernardo na nauna na ring nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa Dos.

Patuloy pa ni DJ, “Bago ho ako maging artista, tao at Pilipino muna ako, kaya sana huwag niyo ipagkait sa amin ang karapatan namin na magpahayag ng aming saloobin.

“Meron ho tayong mas malaking hinaharap ngayon, at iyon po ay ang pandemya. Ituon po natin ang lahat ng meron tayo para tiyakin ang kaligtasan ng bawat Pilipino.

 “Sa NTC, mga kapatid, sana ho ‘yung mga ginagawa niyong desisyon ay hindi lang para sa interes ng ilan. Sana ho ang desisyon na ginagawa ninyo ay para sa mas ikabubuti ng mas marami.

“Higit sa lahat, sa mga kapwa ko Pilipino, huwag ho nating talikuran ang pagiging makatao. Buksan ho natin ang mga puso natin para sa pinagdadaanan ng iba. At buksan natin ang mga mata natin para sa katotohanan. Mas mainim pa ang maging bulag kaysa sa nagbubulag-bulagan,” he said.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Daniel Padilla po, tao, Pilipino. Laban, Kapamilya,” pagtatapos ni DJ.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending