Poe nag-inhibit sa ABS-CBN franchise renewal hearing
Liza Soriano - Bandera May 12, 2020 - 11:11 PM
NAG-INHIBIT na si Senador Grace Poe sa pagdinig ng Senado kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN network.
Ayon kay Poe, chairman ng Senate committee on public services, itinalaga na niya si Senador Sherwin Gatchalian na isa sa kanyang mga vice-chairman para mag-preside sa pagdinig.
Nauna nang sinabi ni Poe noong Marso na mag-iinhibit sa pagboto para sa nasabing panukala dahil ang kanyang ina na si Susan Roces ay isa sa mga artista sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending