May online palengke sa QC | Bandera

May online palengke sa QC

Leifbilly Begas - May 12, 2020 - 01:12 PM

MAAARI nang mamalengke ang mga taga-Quezon City online.

Nakipag-partner si Mayor Joy Belmonte sa Office of the VP – Angat Buhay ni Vice President Leni Robredo upang magkaroon ng dagdag na opsyon ang mga mamimili sa lungsod.

“Ang programang ito ay naglalayong bigyan ng ligtas at alternatibong paraan ang ating mga residente upang makapamalengke, tulungan ang ating mga malilit na vendors na makapag hanapbuhay at bigyan ng pagkakataon ang ating mga tricycle drivers na magkaroon ng kita dahil sila mismo ang magdedeliver ng inyong mga binili.”

Makabibili rito ng gulay, prutas, karne at iba pang bilihin sa Kamuning Market.

Maaaring i-download ang Community Mart app sa Google Play o App Store.

“Pansamantala po itong available muna sa mga karatig na barangay ng Kamuning Market habang ating inaayos na palawigin ito sa iba pang public market sa ating lungsod.”

Kasama sa pilot run ang barangay:

• Brgy. Kamuning

• Brgy. Mariana

• Brgy. Obrero

• Brgy. Sacred Heart

• Brgy. Laging Handa

• Brgy. Pinagkaisahan

• Brgy. South Triangle

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

• Brgy. Paligsahan

• Brgy. Roxas District

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending