'Pancit canton' paandar ni Heart binasag ng bashers; wala raw talent | Bandera

‘Pancit canton’ paandar ni Heart binasag ng bashers; wala raw talent

Ervin Santiago |May 11,2020
facebook
share this

‘Pancit canton’ paandar ni Heart binasag ng bashers; wala raw talent

Ervin Santiago - May 11, 2020 - 01:49 PM

SOBRANG arte. Walang talent. No personality.

Ilan lang yan sa mga panglalait ng mga netizens sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.

Sunud-sunod ang pamba-bash kay Heart ng kanyang mga detractors dahil sa mga ipino-post niyang “pasosyal” photos and videos sa kanyang Instagram.

Hindi nagugustuhan ng ilang netizens ang uri ng pamumuhay na ipinakikita niya sa publiko ngayong may health crisis sa bansa at hanang ipinatutupad ang quarantine period.

Sa kanyang latest IG post, makikita ang Kapuso actress na kumakain ng pancit canton habang suot ang bonggang-bongga niyang designer outfit with matching “artistahing shades.”

Kuha ang nasabing photo habang nakaupo siya sa sala ng kanyang mansion na may caption na, “Sometimes I workout, and sometimes I do this” na ang tinutukoy nga ay ang paglafang niya ng pancit canton.

Of course, pinusuan at ni-like ito ng kanyang mga followers pero may ilan ding nambasag sa trip ng aktres. Hindi na raw nakakatuwa ang pinaggagagawa ni Heart at nagmumukha na siyang trying hard at papansin.

Sabi naman ng isa, ginagawa ito ni Heart para makuha ang atensiyon ng mga tao dahil wala naman talaga siyang talent at personality. 

“The beautiful clothes make up for the talent, and personality.

“I just wonder, is she interesting without these expensive pieces

“I bet she knows that already that’s why she dresses like that even in quarantine,” comment ng netizen.

But as usual, hindi siya inaway o tinalakan ni Heart. Sosyal pa rin ang sagot niya sa mga haters, “LOL! Glad you feel good about yourself now.”

Pero hindi pa rin natinag ang basher, “Sobrang OA mo nasa bahay ka lang ganyan itsura mo.” Na sinagot ng aktres ng, “Super!!! (stars, trumpets, wine toast, popcorn emojis).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilala ang asawa ni Chiz Escudero sa pagiging fashionista. Ilang beses nang nag-viral ang mga paandar niyang OOTD sa social media. Talagang rumarampa siyang suot ang kanyang designer clothes kahit nasa bahay lang.

Isa na nga riyan ang  pagpunta niya sa grocery with bonggang-bonggang designer items na ginaya at in-spoof pa ng mga netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending