#LabanKapamilya photo ni Bianca inokray: Umabot na sila sa ganu'ng kababang lebel  | Bandera

#LabanKapamilya photo ni Bianca inokray: Umabot na sila sa ganu’ng kababang lebel 

Ervin Santiago - May 11, 2020 - 11:16 AM

“PERSONALAN” at “pisikalan” na ang mga tirada ng ilang netizens laban sa mga artista ng ABS-CBN.

Isa sa mga bagong biktima ng body shaming sa social media ay ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.

Nag-post si Bianca sa Instagram ng kanyang #LabanKapamilya photo bilang pagpapakita ng suporta sa ABS-CBN. Dito napansin ng mga netizens ang kanyang “sobrang kapayatan.”

May mga IG followers ang TV host na nanglait sa kanyang itsura, hindi raw kasi proportion ang kanyang ulo sa mga kamay niya na sumobra na raw ang kapayatan. 

Mensahe naman sa kanila ni Bianca, “Not sure what is worse: being fat-shamed or being skinny-shamed. 

“Kapag itsura mo na ang tinitira nila, maawa ka nalang sa kanila, kasi humantong na sila sa ganu’ng kababang lebel para lang sa ‘yo,” aniya pa. 

Kasunod nito, nagpasalamat naman ang Kapamilya TV host sa mga netizens na nagtanggol sa kanya sa body shamers at nagpakita ng respeto sa katawan niya.

“Maraming, maraming salamat sa lahat ng sumusuporta at lahat ng inyong mga mensahe, comments at DMs.

“Salamat din sa lahat ng mga kumukutya at pumupuna ng maayos at may respeto, magandang ehemplo ang ipinapakita ninyo sa iba at sana dumami pa ang tulad ninyo,” aniya pa.

Isa rin si Bianca sa mga Kapamilya stars na nanindigan sa kanyang mother network matapos itong ipasara ng NTC. 

Nag-aalala rin siya sa magiging kinabukasan ng 11,000 empleyado ng istasyon na mawawalan ng trabaho kapag hindi na nabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

* * *

Narito naman ang official statement ng network hinggil sa pagpapatigil ng kanilang operasyon.

“ABS-CBN is grateful for the overwhelming support we have received from our Kapamilya. 

 

“We trust that Congress will be able to act on our pending application for a franchise renewal at the soonest possible time. We are thankful for the efforts of both the House and the Senate leaderships to ensure that the network will continue to operate while the bills are being deliberated upon. During this pandemic, our services are needed most.

 

“It is unfortunate that despite Senate Resolution No. 40, the House of Representatives’ committee on legislative franchises’ letter, and the favorable legal opinion of the Department of Justice, the National Telecommunications Commission (NTC) still issued their cease and desist order prohibiting ABS-CBN from continuing its broadcast operations effective immediately.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is a challenging time for the network.  But we have found strength and inspiration in the many acts of kindness and support shown to us by the public. Thank you for letting us know that we matter to you.  In return, we reiterate our commitment to continue to be in your service.  Maraming salamat po, mga Kapamilya!”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending